Naghayag ng pagkadismaya ang mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) sa hindi pagdalo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng confirmation of charges laban dito.
Sa opening statement ni Atty. Joel Butuyan nitong Sabado, Pebrero 23, binigyang boses niya ang sentimyento ng 497 biktima na pinayagang lumahok sa nasabing proceeding.
“We communicate the very deep disappointment of the victims at the decision allowing Rodrigo Duterte not to be present in this stage of confirmation of charges,” saad ni Butuyan.
Dagdag pa niya, “The cite of Mr. Duterte being read and being confronted with the grave and horrible charges against him would have constituted a vital component of justice for the victims.”
Matatandaang umapela ang kampo ni Duterte na i-waive ang kaniyang karapatang dumalo sa pagdinig ng ICC kaugnay sa confirmation of charges laban sa kaniya
Anang dating Pangulo, nauunawaan niya ang magiging epekto ng hindi pagdalo at ipinauubaya niya sa kaniyang mga abogado ang pagharap sa mga ebidensiya ng prosecution.
Pinahintulutan naman ito ng ICC Pre-Trial Chamber I batay sa dokumentong inilabas nila na may petsang Pebrero 20.
Maki-Balita: ICC, pinahintulutang lumiban si FPRRD sa pagdinig ng confirmation of charges