February 23, 2026

Home BALITA

Drug war victims, itinangging ginamit nila 'taxpayers’ money' papuntang The Hague

Drug war victims, itinangging ginamit nila 'taxpayers’ money' papuntang The Hague
Photo courtesy: Human Rights Watch

Itinanggi ng ilang pamilya ng drug war victims na gumamit sila ng pera ng taumbayan upang makalipad papuntang The Hague, Netherlands, kasunod ng nakatakdang confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay International Criminal Court (ICC) Assistant to Counsel Kristina Conti, iginiit niyang pawang mga non-government organization (NGO) at ilang private individuals ang nagtulong-tulong sa gastusin ng mga kaanak ng drug war victims.

“Ang pinakaugat ng tanong ay pera ba ng taumbayan ang ginastos dito? Hindi po. Wala po pera ng taxpayers money na kinuha,” ani Conti.

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Conti, nilinaw na 'di mula sa pondo ng bayan gastusin ng EJK victims sa ICC

Probinsya

Bangkay ng vlogger, natagpuang nakagapos, balot ng t-shirt ang mukha at may busal sa bibig!

Saad pa niya, “Maraming tumatangkilik, hindi lang dahil biktima sila pero dahil sila yung naghahanap ng hustisya.”

May hamon din si Conti para sa mga nag-aakusa sa kanila nang paggamit umano ng taxpayers’ money.

“Ang challenge ko sa nag-aakusa, kung sino yung may sabi, sila ang mag-prove… Ipa-COA n’yo kami, ireklamo ninyo kami, ipa-FOI ninyo kami, wala pong lalabas na singkong duling ng pondo ng bayan na pumunta dito,” aniya.

Tinatayang nasa ₱200,000 kada tao ang inabot daw ng gastos para makapunta sa Netherlands.

Nitong Lunes, Pebrero 23, 2026 hanggang Pebrero 27 tatagal ang pagdinig sa kasong crimes against humanity ni dating Pangulong Duterte.