February 23, 2026

Home FEATURES Trending

#BalitaExclusives: ‘Buksan mo, papasukin ako…sa kabaong?’ Funeral service, viral sa kakatuwang pagsakay sa trend!

#BalitaExclusives: ‘Buksan mo, papasukin ako…sa kabaong?’ Funeral service, viral sa kakatuwang pagsakay sa trend!
Photo courtesy: Maurice Aira Raymundo/FB


Viral ngayon sa social media ang isang funeral service matapos sumakay sa “Buksan Mo” trend, habang ipinakikita ang ilan sa mga serbisyong iniaalok nila para sa mga pamilyang namatayan.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Maurice Aira Raymundo, 27-anyos na owner ng MJR Funeral Services sa Mambog, Hermosa, Bataan, inamin niyang katuwaan lamang daw nila ang ini-upload nilang video.

“Actually napagkatuwaan lang po talaga, noong time kasi na ‘yon naggagawa ng bulaklak ‘yong father ko para sa isang namatayan,” saad ni Maurice.

Pagkuwento pa niya, “Pumunta kami noong mother ko doon sa shop namin, tapos nasaktong kakauwi noong mga employees namin galing sa libing. Pinapatugtog ‘yon tapos sinabi ko sa kanila, ‘Tara, TikTok tayo niyan.’ Game naman sila.”

Ibinunyag din ni Maurice na matapos mag-viral ang kanilang video, mas nakilala ang kanilang funeral service, at may mga kumontak pa nga sa kanila para maging supplier nila.

Trending

KILALANIN: Mga macho-gwapitong napangasawa ng ilan sa SexBomb Girls



“Malaking impact po ito sa amin. Although kilala naman po kasi kami sa lugar namin bilang maganda mag-service, mas lalo pa po kaming nakilala,” aniya.

“Marami rin po talaga nag-inquire sa page namin if magkano po ‘yong service namin, meron ding nag-aalok na suppliers para sa mga consumables like candles, barong and lapida,” dagdag pa niya.

Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 27 milyong views ang naturang video ni Maurice sa Facebook, habang 6.6 milyon naman sa kaniyang TikTok account.

Vincent Gutierrez/BALITA