February 21, 2026

Home BALITA

Juana Change, inurirat si Kiko Dee: 'Bakit ayaw singilin si Marcos sa EDSA 40?'

Juana Change, inurirat si Kiko Dee: 'Bakit ayaw singilin si Marcos sa EDSA 40?'
Photo Courtesy: Mae Paner, Kiko Dee (FB)

Tila tutol ang aktres at aktibistang si Mae Paner, o mas kilala bilang “Juana Change,” sa desisyon ni Tindig Pilipinas co-convenor Kiko Aquino-Dee hinggil sa hindi katanggap-tanggap na panawagan sa ikatlong bugso ng Trillion Peso March na gaganapin sa EDSA People Power Monument.

Matatandaang sa isang Facebook post ni Dee noong Pebrero 20 ay inilatag niya ang mga katanggap-tanggap at hindi katanggap-tanggap na panawagan sa naturang kaganapan sa Pebrero 25.

Maki-Balita: Panawagang marahas na pagpapatalsik kay PBBM, ekis sa Trillion Peso March

Narito umano ang panawagan ng kanilang grupo: Ikulong ang lahat ng mga kurakot; Ipasa ang Anti-Dynasty Law; Independent People's Commission Law, at Independent Commission Against Infrastructure Corruption Law.

Politics

'Biro lang ng marami!' Jimmy Bondoc, pinabulaanang tatakbo siyang VP ni VP Sara sa 2028

Samantala, ipinagbabawal naman nila ang manawagan ng karahasan, o iyong nakatuon sa sandatahang lakas, at magluklok ng hindi halal na grupo sa posisyon. 

Pero sa latest Facebook post ni Juana Change nitong Sabado, Pebrero 21, kinuwestiyon niya ang desisyong ito ni Dee.

Aniya, “Ang unang EDSA Pipol Power ang nagpatalsik sa mga tiwaling Marcos at naiupo ang Aquino. Bakit ni ayaw singilin ni Kiko Aquino Dee tiwaling Marcos sa EDSA@40?”

“Di ba sila nagnakaw? Nasoli ba? Si BBM ba matino? Fear of Sara? Di ba sampal ’yan sa pipol?” dugtong pa ni Juana Change.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na hindi magkasundo ang hanay nina Dee at Juana Change pagdating sa mga panawagan. Sa katunayan, mainit na pinagtalunan noong Nobyembre 30, 2025 ang tungkol dito.

Kaugnay na Balita: #BalitaExclusives: Kiko Dee, ‘di pabor sa People's Transition Council