February 20, 2026

Home BALITA

Padilla, kinuwestiyon kredibilidad ng ICC prosecutors: 'Nag-aaral ba kayo ng batas?'

Padilla, kinuwestiyon kredibilidad ng ICC prosecutors: 'Nag-aaral ba kayo ng batas?'
Photo Courtesy: Robin Padilla, ICC (FB)

Nagpakawala ng tirada si Sen. Robin Padilla laban sa mga prosecutor ng International Criminal Court (ICC).

Ito ay matapos tutulan ng ICC na i-waive ang karapatan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa nakatakdang pagdinig kaugnay sa confirmation of charges nito.

Maki-Balita: ICC nanindigan: 'Mr. Duterte is fit'

Sa isang online interview nitong Biyernes, Pebrero 20, iginiit ni Padilla ang karapatan umano ni Duterte na gawin ang nasabing apela.

ICC, pinahintulutang lumiban si FPRRD sa pagdinig ng confirmation of charges

“E, karapatan ng accused ‘yon. Akala ko ba itong prosecution e…nag-aaral ba kayo ng batas?” saad ni Padilla.

Dagdag pa niya, “Karapatan ng accused ‘yon kung ayaw niyang humarap e lalong-lalo na matanda na siya. Karapatan niya ‘yon, human rights.”

Inakusahan din ni Padilla na gagawin lang umanong katatawanan ang hitsura ni Duterte sakaling humarap ito sa pagdinig.

“E, naku! Alam na ho natin ‘yon,” dugtong pa ng senador.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, pinahintuluan na ng ICC Pre-Trial Chamber I na lumbina si Duterte sa buong hearing na magsisimula sa Pebrero 23 at nakatakdang matapos sa Pebrero 27.

Maki-Balita: ICC, pinahintulutang lumiban si FPRRD sa pagdinig ng confirmation of charges