Happy at proud friend ang eksena ng aktres na si Jodi Sta. Maria matapos niyang batiin ang newly-engaged couple na sina Pampi Lacson at Iwa Moto.
Kaugnay ito pagsasapubliko ni Iwa ng nasabing engagement nila ni Pampi, na naganap sa Nara, Osaka, Japan noong Miyerkules, Pebrero 18, matapos ang halos 14 taon nilang pagsasama.
“So… this happened..Mahal…You are my always and forever.. thank you for making me happy. I can’t wait to be your wife mahal. We have been together for almost 14 years and God knows we have been through a lot but in His grace eto tayo, NAGMAMAHALAN. I can’t wait to marry my best friend,” saad ni Iwa sa kaniyang Instagram post noong Huwebes, Pebrero 19.
Komento naman ni Jodi, siya ay masaya sa naabot na “milestone” ng dalawa.
“Life has a beautiful way of unfolding…Congratulations on your engagement Madam and Pampi! Rejoicing with you both! This milestone is truly significant for the whole family!” ani Jodi.
Aniya pa, “Handa na po ang susuotin ko!”
Photo courtesy: Iwa Moto/IG
Matatandaang kamakailan, sinabi na rin ni Jodi na handa na ang kaniyang “gown,” matapos ibahagi ni Iwa sa kaniyang IG post ang ilang sweet photos nila ni Pampi.
“Sweet nyo…ready na ang gown ko ha?” komento ni Jodi sa nasabing post ni Iwa.
MAKI-BALITA: Jodi Sta. Maria sa sweet pics ni Iwa Moto at asawa nito: 'Ready na ang gown ko ha?'-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA