February 19, 2026

Home BALITA

‘Totoo po na bibisita!' Palasyo, kinumpirma na magkikita sina PBBM, Robredo

‘Totoo po na bibisita!' Palasyo, kinumpirma na magkikita sina PBBM, Robredo

Magkikita sa darating na weekend sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating Bise Presidente Leni Robredo kaugnay ng pagpapatupad ng Oplan Kontra Baha sa Naga City.

Sa press briefing nitong Huwebes, Pebrero 19, 2026, sinabi ni Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na ang pagbisita ng Pangulo ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan para sa flood mitigation measures.

“Yung Oplan Kontra Baha ay pinasimulan na po sa Naga City ng ating Pangulo. Busy po ngayon ang kawani ng DPWH para linisin ang mga kanal at estero sa Naga City. 'Yan po ang bibisitahin ng Pangulo at totoo po na bibisita po siya at makakasama n’ya po ang Mayor Leni Robredo ng Naga City,” ani Castro.

Kasalukuyang alkalde ng Naga City si Robredo. Ayon pa kay Castro, nakatakdang maganap ang pagbisita sa darating na Pebrero 21, Sabado.

Probinsya

Aso, naispatang nakatali sa umaandar na e-tricycle!

Wala pa umanong impormasyon kung pag-uusapan ng dalawa ang posibleng plano sa politika kaugnay ng 2028 national elections.

Noong 2024, nagpahayag ng kasiyahan si Marcos sa tila “political reconciliation” sa pagitan nila ni Robredo.

Nauna ring tinanggap ni Robredo ang Pangulo sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena matapos siyang imbitahan ni noo’y Senate President Francis “Chiz” Escudero.