February 19, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Grabeng kademonyohan!' AJ Raval, pumalag sa basher na hiniling pagkamatay ng anak niya

'Grabeng kademonyohan!' AJ Raval, pumalag sa basher na hiniling pagkamatay ng anak niya
Photo courtesy: AJ Raval/FB


Hindi napigilang magalit ng aktres na si AJ Raval matapos hilingin ng isang basher ang pagkamatay ng kaniyang anak.

Saad kasi ng netizen, sana raw ay mabangga ang bata at mamatay na lamang.

Photo courtesy: AJ Raval/FB

Sa latest social media post na ibinahagi ni AJ noong Miyerkules, Pebrero 18, mababasa ang panggagalaiti ng aktres dahil sa naturang pahayag ng netizen.

“Bilang isang ina tungkulin kong ipagtanggol ang anak ko. Sa akin niyo ibuhos ang galit ninyo, hindi sa batang inosente. mga toxic fans kayo kayang manakit ng batang walang kalaban laban TOXIC FANS GRABENG KA DEMONYOHAN NA YAN,” saad ni AJ.

Aniya, “Ipapasalo nyo rin ba sa mga anak ko kasalanan ng ibang babae? Sinalo ko na lahat for her habang ang totoong involved at peace bakit hindi nyo sya hanapin sakanya nyo ibato yan bakit sa anak ko.”

Giit pa niya, gagawin niya ang kaniyang bahagi bilang ina ng kaniyang mga anak.

“Hindi ko hahayaan saluhin ng mga anak ko kasalanan nya. Kaya hindi matapos tapos to dahil mali kayo ng tinuturo. Oo na cheap ako walang pinag aralan pero gagawin ko part ko bilang isang ina. the real other woman got away is at peace while me and my children are being attacked. Madaming magagalit ayaw tanggapin ang totoo,” aniya.

Tila nag-ugat ang isyung ito matapos umusbong ang usapin hinggil sa “real other woman” na kinasangkutan ng aktor at karelasyon niyang si Aljur Abrenica.

Matatandaang umani na rin si AJ kamakailan ng batikos mula sa netizens matapos siyang sisihin sa umano’y hiwalayan ni Aljur at ng aktres na si Kylie Padilla—na siya namang pinasinungalingan niya na.

Samantala, makikita naman sa mga nagdaang posts nina AJ at Kylie na sila ay nasa mabuti nang lagay, at may maayos nang relasyon.

KAUGNAY NA BALITA: 'Sarap panoorin!' Kylie Padilla natuwa matapos ipakita ni AJ Raval mga naglalarong anak-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA