February 19, 2026

Home BALITA

'Bantayan seguridad!' Giit ni Roque, VP Sara, dapat mag-ingat dahil sa kaniyang Presidential bid

'Bantayan seguridad!' Giit ni Roque, VP Sara, dapat mag-ingat dahil sa kaniyang Presidential bid

Iginiit ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na mas naging malaki raw ang banta sa seguridad ni Vice President Sara Duterte dahil sa pag-anunsyo ng kaniyang kandidatura para sa 2028.

Sa isang video na ibinahagi ni Roque na may petsang Pebrero 18, 2026 at ibinahagi niya muli nitong Huwebes, Pebrero 19, inihayag niyang mas kailangang maghigpit sa kaligtasan ni VP Sara.

“Ang talagang sinasabi ni Marcos Jr., hinding-hindi pupwedeng sumunod sa kaniya ang Inday Sara Duterte,” ani Roque.

Dagdag pa niya, “At now more than ever, talagang dapat bantayan ang seguridad ni Inday Sara dahil sa kaniyang deklarasyon, ay mas matindi na ang pagbabanta sa kaniyang buhay.”

National

‘FPRRD ginawa lang lahat, sinugal ang buhay para sa kinabukasan!’—Sen Bong Go

Matatandaang noong Miyerkules din nang kumpirmahin ni VP Sara intensyon niyang tumako sa pagka-Pangulo sa 2028.

“I cannot kneel before each and every Filipino to beg for forgiveness,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Instead, I offer my life, my strength, and my future in the service of our nation.” 

Saad pa niya, napapanahon na raw na maibalik ang tapat at malasakit para sa bansa.

“Mga kababayan, ibalik natin ang tapang at malasakit para sa Diyos, sa bayan, at para sa bawat pamilyang Pilipino,” aniya.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!

Samantala, nilinaw naman ng Palasyo na wala pa raw napag-uusapan ang kampo nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para sa kanilang presidential bet sa 2028.

“If you're a politician, you will think of the next election. But if you are a statesman, you will think of the next generation,” anang Palasyo.

KAUGNAY NA BALITA: 'Ang aga-aga!' PBBM admin, wala pang presidential bet sa 2028—Palasyo