February 18, 2026

Home BALITA

Sen. Risa sa pagtakbo ni VP Sara bilang Pangulo: 'Tayo po ay may free will'

Sen. Risa sa pagtakbo ni VP Sara bilang Pangulo: 'Tayo po ay may free will'
Photo Courtesy: Screenshots from Risa Hontiveros (FB), GMA Integrated News (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Sen. Risa Hontiveros matapos ideklara ni Vice President Sara Duterte ang kandidatura niya bilang Pangulo sa 2028 national elections.

Sa isinagawang press briefing nitong Miyerkules, Pebrero 18, sinabi ni Sen. Risa ang madalas umanong banggitin ng mga philosopher. 

“Sabi ng mga paborito nating philosopher, tayo po ay may free will. So, gamitin po natin,” saad ni Sen. Risa.

Maki-Balita: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!

National

PBBM sa presidential bid ni VP Sara: 'Good luck!'

Sa kasalukuyan, nasa proseso pa rin umano sila ng pagpili kung sino ang magsisilbing standard-bearer ng nagkakaisang oposisyon sa darating na eleksyon sa 2028.

Pero ayon sa senadora, inaasahang mapapangalanan ang kanilang mga kandidato bago matapos ang taon o sa unang bahagi ng 2027.

Matatandaang nauna nang inihayag ni Sen. Risa na nananatili pa rin siyang bukas para tumakbong Pangulo sa 2028.

Maki-Balita: 'I remain willing! Sen. Risa, nananatiling bukas tumakbong Pangulo sa Halalan 2028!