February 19, 2026

Home BALITA National

Sen. Kiko sa presidential bid ni VP Sara: 'Naku malayo pa ang 2028!'

Sen. Kiko sa presidential bid ni VP Sara: 'Naku malayo pa ang 2028!'
Photo courtesy: MB File Photo/Screenshot from Inday Sara Duterte (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Sen. Kiko Pangilinan sa naging anunsyo ni Vice President Sara Duterte na kakandidato siya sa pagkapangulo sa 2028, sa isinagawa niyang press conference nitong Miyerkules, Pebrero 18.

Sa ambush interview ng GMA News, habang naglalakad, sinabi ni Pangilinan na malayo pa ang 2028 at sa ngayong 2026 pa siya nakatingin.

"Naku malayo pa ang 2028," anang Pangilinan.

"2026 pa lang ang tinitingnan ko," dagdag pa niya.

National

Sen. Imee 'forever running mate' ni VP Sara: 'Basta sunud-sunuran ako do'n!'

Nang hiritan pa siya ng tanong kung paano ito pinaghahandaan ng oposisyon, muling iginiit ni Pangilinan na sa 2026 pa siya nakatutok.

Matatandaang nagkatapat sa pagiging vice presidential candidate sina Pangilinan at Duterte noong 2022.

Kaugnay na Balita: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!