Naghayag ng pagkadismaya ang political pundit at dating Presidential Adviser for Political Affairs na si Ronald Llamas kay Sen. Bam Aquino.
Matatandaang naniniwala umano si Sen. Bam na dapat sa Pilipinas umano isagawa ang paglilitis sa mga kasong may kaugnayan sa extrajudicial killing (EJK).
Sa isang Facebook post ni Llamas nitong Miyerkules, Pebrero 18, kinuwestiyon ni Llamas kung bakit kinailangan pang banggitin ni Sen. Bam ang nasabing pahayag.
Aniya, “‘Ideally’ lang naman daw. Pero ang tanong, bakit kailangan pang sabihin yon? For what purpose? For the sake of discussion lang? Sino audience? May ina-appease ba? Did it advance justice at ‘di nagamit ng Karton Network?”
“Ideally, dapat gets mo bakit disappointed ang marami,” dugtong pa ni Llamas.
Maging si dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV ay nagpakawala ng tirada dahil sa tinuran ni Sen. Bam na aniya’y nagpapapogi umano sa mga Duterte supporter.
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang senador hinggil sa nasabing isyu.
Maki-Balita: 'Papogi lang sa mga DDS!' Trillanes, binweltahan si Sen. Bam