February 16, 2026

Home BALITA

Mali ang impormasyong nakarating? Bosita sumagot sa paratang na paninigaw sa Davao

Mali ang impormasyong nakarating? Bosita sumagot sa paratang na paninigaw sa Davao
Photo Courtesy: RSAP (FB), via MB

Nagbigay ng tugon si dating 1-Rider Party-list Rep. at Road Safety Advocates of the Philippines (RSAP) Chairman Ret. Col. Bonifacio Bosita sa pahayag ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte.

Ito ay matapos umano siyang akusahan ni Rep. Pulong na nanigaw umano sa mga empleyado ng Davao na tila halal na opisyal sa lugar.

Ngunit sa latest Facebook post ng RSAP nitong Lunes, Pebrero 16, sinabi ni Bosita na posibleng maling impormasyon umano ang nakarating sa kongresista.

“Nirerespeto natin si Hon. Congressman Paolo ‘Pulong’ Duterte at ang Lokal na Pamahalaan ng Davao City. Maaaring mali lamang ang impormasyon na nakarating sa kanya!” saad ni Bosita.

Probinsya

Bangkay ng inabandonang sanggol, nadiskubre ng dalawang asong gala

Ayon sa kaniya, tumugon lang umano siya sa mga rider na Davaoeños kaugnay sa sinasabing panghuhuli sa mga motorsiklo na “aftermarket” ang muffler.

Bukod dito, nakipag-ugnayan din umano siya sa opisina ng mayor at vice mayor para sa kaukulang courtesy call bilang pagpapakita ng pagrespeto sa lokal na pamahalaan ng Davao.

Inihayag naman ni Bosita ang kahandaan niyang humarap sa imbestigasyon kung kinakailangan para mabigyang-linaw ang lahat ng nangyari.

Maki-Balita: ‘You were not elected here!’ Rep. Pulong, sinita paninigaw ni Bosita sa Davao