Iginiit ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang pangangailangan munang isailalim muna sa lokal na korte ang kaso ng mga kapuwa niyang senador na sina Ronald “Bato” Dela Rosa at Bong Go.
Sa latest X post ni Lacson nitong Martes, Pebrero 16, sinagot ni Lacson ang mga pumupuna umano sa opinyon niya tungkol sa implementasyon ng arrest warrant laban sa dalawang senador mula sa International Criminal Court (ICC).
“[L]et me be clear: what I am protecting is our country’s legal processes as enshrined in Article III Section 2 of the 1987 Constitution, not Senators Ronald de la Rosa and Bong Go,” saad ni Lacson.
Dagdag pa niya, “Despite contrasting legal opinions on the matter, at the proper time, it is only the Supreme Court that will interpret the constitutional provision and legal procedure in this regard.”
Matatandaang kasama si Go sa mga pinangalanan ng ICC na co-perpetrator umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa madugong giyera kontra droga.
Maki-Balita: Dela Rosa, Go, atbp., co-perpetrators sa war on drugs ni FPRRD—ICC
Samantala, kasalukuyan pa ring nagtatago si Dela Rosa at hindi pa pumapasok sa Senado, na noong Nobyembre 2025 pa napabalitang may warrant of arrest mula sa ICC.
Nakatakda ang confirmation of charges ni Duterte sa Pebrero 26, 2026, limang buwan makalipas ang orihinal na schedule noong Setyembre 2025.
Kaugnay na Balita: ICC, tinanggihan apela ng kampo ni FPRRD na baligtarin ang desisyon kaugnay sa 'fit to stand trial'