February 16, 2026

Home BALITA

KWF, lumahok sa pagdinig para sa pagtatatag ng Department of Culture

KWF, lumahok sa pagdinig para sa pagtatatag ng Department of Culture
Photo Courtesy: KWF

Kabilang si Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) chair Atty. Marites A. Barrios-Taran at Commissioner Carmelita C. Abdurahman sa mga dumalo para sa public hearing ng Committee on Culture and the Arts kamakailan.

Pagpapakita umano ito ng suporta ng komisyon para sa pagtalakay kaugnay sa Senate Bill No. 817 at 818 na isinusulong ni Sen. Loren Legarda.

Ang SBN 817, o kilala rin bilang Department of Culture Act, ay ang paglikha ng isang ganap na departamento na hiwalay sa mga ahensiyang pangkultura upang mas mapalakas ang pagpapaunlad ng pambansang identidad.

Samantala, pinalalawak naman ng SBN 818 o Expansion of NCCA Board ang komposisyon ng lupon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at pagtatatag ng mga opisina sa rehiyon at kultural na pasilidad upang matiyak na abot-kamay ang serbisyo.

Probinsya

Bangkay ng inabandonang sanggol, nadiskubre ng dalawang asong gala

Bukod sa KWF, kasama rin sa mga nakiisa sa pampublikong pandinig ang iba pang sangay ng gobyerno na may kaugnayan sa sining at kultura.