February 16, 2026

Home FEATURES Trending

KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality

KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality

Usap-usapan ng mga netizen ang naging mga pahayag ng mister ng dating miyembro ng SexBomb Girls na si Izzy Trazona, na si Alvin Aragon, matapos niyang sagutin ang ilang mga tanong sa kaniya sa isang panayam ng radyo-pahayagan patungkol sa ilang mga isyu, noong Biyernes, Pebrero 13.

Una na rito, ipinaliwanag ni Alvin kung bakit hindi kasama sa pawang matatagumpay na reunion concerts ng iconic girl group ang misis na si Izzy.

Saka lamang kasi sorpresang lumitaw si Izzy sa rAWnd 4 concert, na bagama't tumapak sa stage at nakisali sa kaniyang mga dating kasamahan, subalit hindi siya humataw at sumayaw.

Kaugnay na Balita: ‘Sa wakas!’ Sugar Mercado, Izzy Trazona lumitaw sa concert ng SexBomb Girls

Trending

'Nasa resibo po!' Napaka-obvious na WiFi password sa isang cafe, kinaaliwan

Dinepensahan ni Alvin ang sarili sa mga natatanggap na bash, na kesyo siya raw ang dahilan kung bakit umalis na sa grupo ang misis at hindi na makapag-perform.

"Sinasabi nila, ‘Kaya pala wala sa SexBomb si Izzy dahil sa lalaking 'yan, eh.’ Teka lang, ha! Matagal nang wala si Izzy sa SexBomb, 2009 pa lang. Hindi pa nga ako yung asawa, eh," paliwanag niya.

“Sino ang nagpa-resign kay Izzy sa SexBomb? Ang Panginoon, noong naging Christian si Izzy. Pinag-resign ng Lord," aniya pa.

Bukod pa rito, nagbigay rin ng pananaw si Alvin tungkol sa pagiging transwoman ng pangana na anak ni Izzy na si Andrei "Sofia" Trazona.

Si Sofia ay anak ni Izzy sa dating karelasyong si Michael Navarro.

Malinaw na hindi panig si Alvin sa ginawa ng kaniyang stepdaughter, na ang saligan pa rin ay mga katuruan sa Bibliya.

"Eh totoo naman, eh. Ano bang sabi sa Bible? God judged homosexuality."

"Read Genesis 17:18 and 19 — 'those men in Sodom and Gomorrah want to have sex with other men, and God judged Sodom and Gomorrah."

"Ngayon, ang mabuting magulang, sasabihin mo sa anak mo kung ano yung huwag mong gawin, 'di ba? Kasi mapapahamak ka diyan pag ginawa mo."

"God will throw you to hell if you continue to do homosexuality."

"Mamuhay ka, and you don't want to believe in Jesus? I assure you that God will throw you to hell if you don't stop, repent, and believe in the gospel," aniya pa.

Matatandaang bago nito, umani ng diskusyon sa social media ang umano'y kasalukuyang restado ng relasyon ni Izzy sa kaniyang anak na si Sofia. 

Kaugnay na Balita: Sexbomb Izzy Trazona, hindi tanggap ang pagiging drag queen ng anak?

Kaugnay na Balita:  Sofia Trazona, di pa rin maayos relasyon sa inang si Izzy

Nabanggit ni Sofia sa post niya na hindi na sila nagkikita ng kaniyang ina, na may kinalaman pa rin umano sa pagiging transwoman niya.

Bagay na nilinaw naman ni Izzy at sinabing may komunikasyon pa sila ng anak niya. Sa katunayan, ipinakita pa niya sa post ang screenshot ng pag-uusap nila, matapos ang sorpresa niyang paglitaw sa SexBomb concert.

Kaugnay na Balita: 'Ayoko na sana i-public!' Izzy Trazona, ibinalandra 'resibo' ng pag-uusap nila ng anak

Siyempre, marami ang na-trigger sa mga naging pahayag ni Alvin, lalo na ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na makikita sa iba't ibang comment section ng iba't ibang social media pages na tumalakay sa isyung ito.

"Ask Izzy if happy sya na ganyan ka"

"may punto rin naman siya hehehe..."

"Boss alam mong dancer ang asawa mo bago mo sya niligawan at pinakasalan.sobrang seloso mo nman."

"Si Lord lang ang puwedeng humusga sa ating lahat."

"You don't have to explain if you think you're doing the right thing.We don't owe you an explanation."

"Hmmmm.... Sexbomb na siya nung nagustuhan mo siya. Ganyan na ang suot nya noon. So ngayon, biglang bawal na? Malswa na? So bakit mo siya nagustuhan in the first place?"

"My sarili po tau ng pamantayan sa buhay, cguro d dapat mg mention ng name ibang tao. Enough to explain your side sir."

"Yung kay Sofia, totoo naman, dapat kasi hindi na lang baguhin ang sarili niya."

"Masakit talaga marinig ang totoo... eh 'yan ang totoo eh, nasa bible naman talaga 'yan."

"Parang kakaiba siyang asawa... ano kayang masasabi ni Izzy?"

SINO NGA BA SI ALVIN ARAGON?

Para sa mga hindi nakakaalam, si Alvin ay dating avenger o na-eliminate na contestant ng artista search na "StarStruck" ng GMA Network noong 2004.

Sa panayam sa kaniya sa "Fast Talk with Boy Abunda" kamakailan kasama ang misis na si Izzy, inamin ni Alvin na talagang nasaktan siya nang matanggal sa nabanggit na reality show, dahil pangarap niya ang pag-aartista.

Nang matanggal nga siya sa StarStruck, lumapit pa raw siya noon sa namayapang si German Moreno o Kuya Germs para mapasama man lang siya sa "Walang Tulugan" pero wala ring nangyari.

Hanggang sa nakabalik sa StarStruck si Alvin matapos magpabalik ng pitong na-eliminate, hanggang sa umabot siya sa final judgment.

Ang itinanghal na Ultimate Survivors o Grand Winners ng nabanggit na season ay sina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

Nabigyan naman ng ilang acting projects si Alvin sa Kapuso Network. Ilan sa Kapuso shows na kinabilangan niya ay "The Good Daughter (2012)" at "Ilumina (2010).

February 18, 2012 nang magpakasal sa Christian wedding sina Alvin at Izzy.

Sa panayam sa mag-asawa noong Marso 3, 2012 sa defunct-showbiz oriented talk show na "Startalk TX," ni-reveal ni Alvin na hindi pa pala niya hinahalikan si Izzy noong mag-jowa pa lang sila.

Saka lang niya natikman ang matamis na halik ni Izzy nang sabihin ng pastor sa kasal na puwede na niyang halikan ang bride.

Nangako raw kasi si Alvin kay Izzy na igagalang niya ito at hindi hahalikan hangga't hindi pa sila kasal.

Batay rito, masasabing noon pa man, talagang matibay ang paninindigan ni Alvin para sa paggalang niya kay Izzy at sa relihiyong kinabibilangan.