February 16, 2026

Home FEATURES Trending

KILALANIN: Mga macho-gwapitong napangasawa ng ilan sa SexBomb Girls

KILALANIN: Mga macho-gwapitong napangasawa ng ilan sa SexBomb Girls

Matapos ang makasaysayang limang installments ng comeback concert ng iconic girl group na SexBomb Girls, muling umingay sa social media ang mga kasalukuyang buhay ng ilan sa mga sumikat nitong miyembro.

Kabilang na sa mga nag-ubungan ay ang kani-kanilang mister na nasa likod daw ng SexBomb Girls, sa muling pagratsada nila sa entablado.

Kaya naman, narito ang ilan sa mga macho-gwapitong mister ng ilan sa SexBomb Girls na naki-get, get aww sa pagsuporta sa kanilang comeback concerts.

Arthur Solinap

Trending

KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality

Si Arthur na matagal na ring aktor ay asawa ng leader ng SexBomb na si Rochelle Pangilinan. Noong rAWnd 1 concert nila, isa si Arthur sa mga naging guest performer ng kanilang grupo sa Araneta Coliseum.

Joshua Zamora

Kabilang din ang dating dancer na si Joshua Zamora sa mga naging guest performer sa ilang rawnds ng concert ng SexBomb kung saan kasama niyang nag-peform ang misis na si Jopay Paguia kasama ang vocalist ng bandang Mayonnaise dahil sa kanta nilang may pamagat na “Jopay.”

Alex Castro

Kinakiligan din ang mga larawang ibinabahagi ng SexBomb Sunshine Garcia kasama ang mister na si Bulacan Vice Governor Alex Castro sa tuwing matatapos ang kanilang concert kung saan palagi raw siya nitong sinasalubong ng mga bulaklak at hindi nawala sa mga naging pagtatanghal nila.

MAKI-BALITA: SexBomb Sunshine, todo-pasalamat sa support ng mister: 'Hinahayaan mo akong mag-grow!'

Rosell Pabalan

Kung usapang supportive nga lang din ang usapan, hindi rin nagpahuli ang mister ni SexBomb Yvette Onayan na si Rosell Pabalan matapos lumipad ng kanilang pamilya pabalik ng Pilipinas mula Canada upang muling mapangunahan ni Yvette ang singers ng kanilang grupo.

Ronald Inovero 

Si Ronal Inovero ang mister ni SexBomb Aira Bermudez na kapuwa lumipad din pabalik ng Pilipinas mula sa Australia para sa comeback concert ng SexBomb Girls. Taong 2016 nang mag-isang dibdib sila.

Giovanni Cheng

Bagama’t tatlong anak ang kailangang intindihin ni SexBomb Aifha Medina kasabay ng kanilang dikdikang comeback concert, makailang beses niyang pinasalamatan ang kaniyang mister na si Giovanni Cheng kapuwa co-owner niya rin sa kanilang restaurant na suportahan siya sa muli niyang pagbabalik sa concert stage.

Ilan lamang sila sa mga mister at partners ng ilan sa SexBomb Girls na masugid na sinuportahan ang pagbabalik nila na ngayo’y lalaban naman para sa kanilang upcoming rAWnd 6 at world tour.