February 15, 2026

Home BALITA

‘You were not elected here!’ Rep. Pulong, sinita paninigaw ni Bosita sa Davao

‘You were not elected here!’ Rep. Pulong, sinita paninigaw ni Bosita sa Davao
Photo Courtesy: via MB

Pinuna ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang umano’y  pag-eksena ni “Mr. Bosita” sa siyudad na nasasakupan niya.

Sa latest Facebook post ni Rep. Pulong nitong Linggo, Pebrero 15, sinabi niyang naninigaw umano si Bosita sa mga empleyado ng Davao na tila halal na opisyal sa lugar.

“Kung makasigaw sa mga city employees na maayos namang ginagawa ang trabaho nila, akala mo siya ang inihalal ng mga Dabawenyo para mamuno sa siyudad,” saad ni Rep. Pulong.

Dagdag pa niya, “You were not elected here. Our people chose their leaders. Respect that.”

Probinsya

Pamilya, nasagip matapos bumagsak isang tulay sa Masbate

Kaya naman inilatag ni Rep. Pulong ang City Ordinance No. 0334-12 o Comprehensive Transport and Traffic Code of Davao City na umiiral umano bilang proteksyon sa pampublikong kaayusan.

Aniya, “It exists to protect public order — especially against excessively loud modified exhaust systems na wala namang dulot kundi istorbo, ingay, at alarma lalo na sa gabi.”

“Kung gusto mong mag-advocate, gawin mo sa tamang paraan. Dialogue, not drama. Policy discussion, not public spectacle,” dugtong pa ng kongresista.

Bagama’t hindi binanggit ni Rep. Pulong ang buong pangalan ng aniya’y Mr. Bosita, ipinagpapalagay ng ilang netizens na si dating 1-Rider Party-list Rep. Bonifacio Bosita ang pinatutungkulan niya sa post.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Bosita hinggil sa isyu.