Nakatanggap ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens ang Instagram (IG) post ni Megastar Sharon Cuneta hinggil sa mga umano’y bumabatikos kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa ibinahaging IG post ni Sharon kamakailan, tahasan niyang sinabi na hayaan daw munang magtrabaho si PBBM bago ito pukulin ng mga panghuhusga.
“So much going [on] in our country, most of them bad. Let us let the President do his job and complete his work before we allow ourselves to judge him,” saad ni Sharon.
Aniya pa, dapat daw na sa ngayon ay Pilipinas muna ang iprayoridad ng bawat isa.
“It is our country we need to prioritize now. God bless the Philippines,” giit pa niya.
Photo courtesy: Sharon Cuneta/IG
Narito naman ang mga naging reaksiyon ng netizens kaugnay sa nasabing post ni Sharon.
“Hindi rin naman mananalo asawa mo hahaha.”
“Remembering what Frankie said before. NEVER TO ANOTHER FERDINAND NARCOS. I wonder how she feels right now.”
“Open your eyes to what’s happening in our country. The president’s incompetence is one of the reasons why many people are struggling today. It’s been three years—our fellow Filipinos deserve accountability and better governance.”
“Unfollow na kita”
“Wag nyo na ambisyonin maging bese yun asawa mo plsss lang po sana mag retire na lng c kiko at mag farming mas mabuti po yun”
“Mabahu ba? Naamoy mo ba ang bahu ng sinusuka pero kinakain nio ulit?? Ambisyosa talaga kay na maging VP si Wow Dagat”
“Sharon 2026 "Mali your choice nu" sabi nung dalawang beses pinakasalan ng magkaibang lalaki haha”
“Pambansang balimbing”
“Unfollow!!!!!!!! Ayoko sa kain suka yukkkkkk”
“TUPPERWARE!!!! Nakaka suka!!!”
Photo courtesy: Sharon Cuneta/IG
Matatandaang kamakailan, naging usap-usapan din ang tila panunukso ng Megastar kay PBBM, patungkol sa umano’y pagkakamali nito sa pagpili ng runningmate noong 2022 elections.
“Sir, I have only one vice president…My date tonight [Sen. Kiko Pangilinan]. Mali your choice, ‘no?” tukso ni Sharon kay PBBM sa “Evening with the Stars” noong Huwebes ng gabi, Pebrero 12.
Sagot naman ng Palasyo, nginitian lamang ito ng Pangulo, at tumanggi nang magbigay ng kaniyang pahayag.
“Kung ‘yon po ang opinyon ni Ate Shawie, ni Miss Sharon Cuneta…at malamang, karamihan sa ating mga kababayan ay ‘yan din po ang nararamdaman. So, opinyon po ‘yon ni Miss Sharon Cuneta at nakita po natin na napangiti lamang ang ating Pangulo,” saad ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro sa isinagawang press briefing ng PCO kamakailan.
MAKI-BALITA: 'Napangiti lamang:' Palasyo, sinabing 'no comment' si PBBM sa 'biro' ni Shawie-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA