February 15, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Hindi kita malilimutan!' Archie Alemania, patay na patay kay Gee Canlas

'Hindi kita malilimutan!' Archie Alemania, patay na patay kay Gee Canlas
Photo courtesy: Archie Alemania/IG, Gee Canlas/IG


Hinandugan ng isang kanta ng aktor na si Archie Alemania ang kaniyang asawang si Gee Canlas, kasabay ang selebrasyon ng Valentine’s Day.

Sa ibinahaging Instagram (IG) story ni Archie noong Sabado, Pebrero 14, maririnig ang pagkanta niya ng awiting “Hindi Kita Malilimutan,” habang hawak niya ang isang bulaklak na may sash na nagsasabing “Gee patay na patay ako sayo.”

Photo courtesy: Archie Alemania/IG

Samantala, makikita naman sa isang Instagram post na ibinahagi ni Gee nitong Linggo, Pebrero 15, ang kasiyahan niya matapos makatanggap ng isang “love letter” mula sa anak na si Caleb.

“Came home to this after a long day at work. Tanggal ang pagod. My cup is full. Happy Heart's Day indeed. #CalebArcher #HowIMom,” saad ni Gee sa kaniyang post.

Photo courtesy: Gee Canlas/IG

Matatandaang naging palaisipan sa netizens kung talaga nga bang naghiwalay na si Archie at si Gee, matapos pakawalan ng huli ang isang makahulugang IG post kamakailan.

“I’m choosing to love myself with the same consistency and effort I give others, and I’m no longer making myself smaller for anyone. I want to show up more. For myself, for Caleb, for the people I love, and for the work that’s always felt like home to me. That’s the only way I can be fully me as a daughter, sister, a friend, a woman… as a solo parent,” ani Gee sa kaniyang IG post.

MAKI-BALITA: 'As a solo parent:' Gee Canlas, hiwalay na nga ba kay Archie Alemania?-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA