Ikinaloka ni Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition grand winner Mika Salamanca ang nangyari sa kaniya nitong Sabado, Pebrero 14.
Nakatanggap kasi ng isang surprise delivery si Mika na petals at mga bulaklak—ngunit napag-alaman niyang cash-on-delivery (COD) ang mode of payment nito.
“Ang funny kasi may nagpadala sa condo ko ng mga petals ng flowers. Tapos may nagpadala rin ng isang buoquet na flower tapos cash-on-delivery, be!” tila pagmaktol ni Mika sa ibinahagi niyang Instagram (IG) story nitong Sabado, Pebrero 14.
“So ano ‘to? Ako magsu-surprise… cash-on-delivery…bayad ko ‘yong flowers. Ako pa magsu-surprise sa sarili ko?” pagtatanong pa niya.
Photo courtesy: Mika Salamanca/IG
Sa kaniyang IG story, isiniwalat niya ring ang content creator na si Von Razo ang nasa likod ng sorpresa.
Sa usapin ng lovelife ni Mika, matatandaang kumalat kamakailan ang mga tsika kaugnay sa umano’y namamagitan sa kaniya at sa ex-PBB housemate na si Will Ashley, na siyang tinanghal din bilang “Second Big Placer” ng kompetisyon.
"Aba, may nakarating lang naman sa akin, at itatanong na rin natin, hindi namin kino-confirm dito, ha, ako mismo bilang si Ogie Diaz hindi ko kino-confirm ito, pero may nakausap lang ako, at biglang sinabi na 'confirmed' 'yong Will Ashley-Mika Salamanca," ani showbiz insider na si Ogie Diaz sa kaniyang entertainment vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update.”
MAKI-BALITA: Will Ashley, Mika Salamanca 'confirmed' na may relasyon?-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA