February 15, 2026

Home BALITA Probinsya

3 pang katawan, narekober sa MV Trisha Kerstin 3; casualties, pumalo na sa 57!

3 pang katawan, narekober sa MV Trisha Kerstin 3; casualties, pumalo na sa 57!
Photo courtesy: Philippine Coast Guard (FB)

Nakapagrekober ng tatlo pang bangkay ang Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo, Pebrero 15, mula sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3, kamakailan. 

Dahil dito, pumalo na sa 57 ang kasalukuyang bilang ng mga nasawi mula sa trahedya ng paglubog, habang 22 indibidwal pa ang patuloy na hinahanap, at tinatayang 293 ang survivors, ayon sa latest update ng PCG nito ring Pebrero 15. 

Anila pa, ang mga talang ito ay mula sa joint validation efforts ng Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), at kaanak ng mga pasaherong lulan ng MV Trisha Kerstin 3. 

Matatandaang ipinahayag ng Department of Transportation (DOTr) na sasampahan ng mga kasong administratibo ang passenger at cargo firm na “Aleson Shipping Lines, Inc.” dahil sa mga umano’y pagpapabaya sa paglayag ng MV Trisha Kerstin 3, at mga umano’y deprensiya nito sa kanilang passenger capacity certification, drylock/repair compliance, at seaworthiness certification. 

Probinsya

Mga isdang kabilang sa ‘regulated and threatened species,’ nasabat sa Palawan

MAKI-BALITA: Operator ng MV Trisha Kerstin 3, sasampahan ng mga kasong administratibo; 14 personnel, sinibak!

Parte ito ng isinasagawang “full-blown investigation” na iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga awtoridad, matapos unang maiulat ang paglubog ng MV Trisha Kerstin 3, sa katubigan ng Baluk-Baluk Island, Basilan, noong Enero 26. 

MAKI-BALITA: PBBM, nag-utos ng ‘full-blown investigation’ sa M/V Trisha Kerstin 3

Sean Antonio/BALITA