February 14, 2026

Home BALITA National

VP Sara, bilib kay FPRRD: 'Nakakulong na, pinag-aagawan pa rin ng mga GF sa labas!'

VP Sara, bilib kay FPRRD: 'Nakakulong na, pinag-aagawan pa rin ng mga GF sa labas!'
Photo courtesy: via MB

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang naging pag-uusap nila ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa "mga girlfriend" nito, nang magsalita ang una sa isang event sa Nasugbu, Batangas nitong Sabado, Pebrero 14, kasabay sa pagdiriwang ng Valentine's Day.

Natatawang sabi ni VP Sara, sinabi raw niya kay FPRRD na bilib siya sa ama dahil kahit nakakulong pa rin sa detention facility ng International Criminal Court (ICC), pinag-aagawan pa rin daw siya ng mga girlfriend sa labas.

"Sabi ko sa kaniya, 'Alam mo nabibilib ako sa iyo. Dahil, nakakulong ka na, pinag-aagawan ka pa rin ng mga girlfriend mo sa labas," anang Pangalawang Pangulo.

"Nag-aaway-away pa rin silang lahat," dagdag pa niya.

National

US-grade HIV treatment, malapit nang dumating sa Pilipinas – DOH

Tugon daw ng dating pangulo, "Sino ba ang nasa labas?"

Nagbanggit ng tatlong babae si VP Sara na hindi na pinangalanan.

Pero ang balik na tanong daw ng dating pangulo, kung sumali rin ba ang nanay niyang si Elizabeth Zimmerman na ex-wife niya, at ina nilang magkakapatid na sina Davao Rep. Paolo "Pulong" Duterte at Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte.

Sagot daw ni VP Sara, "Ay hindi na siya sumali kasi tapos na raw siya sa kaniyang... sa lahat ng iyak niya, sama ng loob niya sa iyo. Ayaw na raw niya nang ganiyan."

Nabibilib daw siya sa mga girlfriend na nag-aaway-away para sa ama dahil kahit hindi naman sila ang asawa at kung tutuusin ay wala naman silang obligasyon para sa ama, ay nariyan pa rin sila.

"Kasi kung ako 'yan, wala na 'yan. Nakakulong na eh. Sabi ko, 'Kung ako nag-iisip na mag-aasawa ako, bahala ka na sa buhay mo, maghahanap ako ng bagong pag-ibig,'" giit pa ng Pangalawang Pangulo.

Isa pa raw, nasa 80-anyos na rin ang ama at hindi na kagaya dati na matikas pa ang tindig.

Sagot daw ng dating pangulo, para daw sa kaniya, lahat ng mga babae ay pare-pareho lang.

"Ako, pag ako nagmahal, hindi ako tumitingin kung ano yung nakaraan ng babae, kung ano yung hindi maganda na nangyari sa buhay niya, kung ano yung mga pangit sa ugali niya, lahat 'yan kapag nagustuhan kita, ramdam ko na lahat 'yan..." pahayag pa raw ng dating pangulo.

Matatandaang ang kilalang common law partner ni FPRRD ay si Honeylet Avanceña na ina naman ng bunsong anak niyang si Veronica "Kitty" Duterte.