Labis na nagdadalamhati ang animal rescue community sa pagpanaw ng 4th year veterinary student at snake rescuer na si Kyle Ian Tablon.
Si Tablon ay nag-aaral sa College of Veterinary Medicine ng Central Mindanao University (CMU) at iniulat na nasawi noong Pebrero 9.
Sa inilabas na pahayag, kinilala ng Wildlife Initiative Leadership & Development ang kaniyang malasakit at dedikasyon sa paglilingkod sa mga hayop.
“He served with compassion, lived with purpose, and made the world gentler by his presence,” ayon sa grupo.
Ibinahagi rin ng College of Veterinary Medicine ng CMU na naging huwaran si Tablon sa kaniyang mga kaklase at sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
“Kyle was known not only for his drive and dedication as a student but also for the warmth and sincerity he brought to those around him,” pahayag ng kolehiyo.
May mga lumutang na pahayag sa social media na sinasabing natuklaw umano ng makamandag na ahas ang estudyante, subalit wala pang opisyal na kumpirmasyon tungkol sa tunay na dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Ayon pa sa kolehiyo, “At this time, information regarding the incident is still being consolidated. We kindly ask for understanding and sensitivity in any related discussions.”