February 13, 2026

Home BALITA

Senado, minamatahang ipasa 'Anti-political dynasty bill' bago magtapos ang Marso—Hontiveros

Senado, minamatahang ipasa 'Anti-political dynasty bill' bago magtapos ang Marso—Hontiveros
Photo courtesy: via MB

Kinumpirma ni Sen. Risa Hontiveros na balak ng Senado na tuluyang iratsada ang Anti-political dynasty bill bago magtapos ang buwan ng Marso.

"It will be passed. Intensyon namin maipasa ito this session so bago matapos ang buwan ng Marso," ani Hontiveros nitong Biyernes, Pebrero 13, 2026.

Si Hontiveros ang kasalukuyang chairperson ng Senate Committee on Electoral Reforms kung saan iginiit niyang nais niya raw maikasa ang nasabing batas na nagbabawal sa mga kaanak ng politiko hanggang 4th degree of consanguinity.

"Para sa akin yun ang dapat, yun ang ideal. Bilang isa sa mga authors sa Senate, yun ang ipu-push ko,. At the same time... I'm working with six bills na iba-iba ang prescription. Fourth degree, third degree, second degree," anang senadora.

Metro

11K pulis, ide-deploy; 50K raliyista inaasahang dadalo sa ikatlong 'Trillion Peso March'

Dagdag pa niya, "Ang sa akin lang, whatever will be our final form, yung tingin kong dapat or ideal na 4th disagree or maaaring sa mas marami sa colleagues ko, mas practicalor mas reasonable at this point in time, 3rd degree or 2nd degree, basta ang importante sa akin, nagkaroon kami ng batas na impactful, may kwenta."

Pinuna rin ni Hontiveros ang matagal ng pamamayagpag ng mga dinastiyang pamilya sa politika.

"Sa halip ng serbisyong publiko sa ordinaryong Pilipino, personal na interes at pakinabang ang madalas ng nagiging sentro. Nandito tayo ngayon para baguhin ito," saad ni Hontiveros.

Sa kasalukuyan, mayroong anim na anti-political dynasty bill ang nakabinbin sa Senado.