February 13, 2026

Home BALITA

Psychological Association of the PH, nabahala sa pahayag ni Sen. Robin sa depresyon

Psychological Association of the PH, nabahala sa pahayag ni Sen. Robin sa depresyon
Photo Courtesy: PAP, Robin Padilla (FB)

Naghayag ng pagkabahala ang Psychological Association of the Philippines (PAP) kaugnay sa sinabi ni Sen. Robin Padilla na mahihina umano ang kabataan ng kasalukuyang henerasyon, at pahayag patungkol sa depresyon. 

Maki-Balita: Sen. Robin sa mga bata ngayon: ‘You are weak!’

Sa latest Facebook post ng PAP nitong Biyernes, Pebrero 13, binanggit nila na ang ganitong pahayag umano ay puwedeng magdulot ng stigma sa mga kabataan na dumaranas ng problema sa mental health.

“Ang ganitong pagbalangkas ay nagdudulot ng stigma (negatibong pananaw o kahihiyan) at maling pag-unawa, at maaaring makapinsala sa mga kabataan at mga pamilya na humaharap sa tunay na mga hamon sa kalusugang pangkaisipan,” saad ng asosasyon.

Senado, minamatahang ipasa 'Anti-political dynasty bill' bago magtapos ang Marso—Hontiveros

Anila, mapanganib at mali umanong itumbas bilang kahinaan ang sakit sa pag-iisip.

“Ang depresyon at iba pang karaniwang kundisyon sa kalusugang pangkaisipan ay hindi palatandaan ng pagiging marupok, tamad, o may pagkukulang sa moralidad. Ang mga ito ay mga kundisyong pangkalusugan na nakabatay sa ebidensya at maaaring masuri, na hinuhubog ng mga salik na biyolohikal, sikolohikal, at panlipunan,” dugtong pa ng PAP.

Kaya naman inihayag ng asosasyon ang pagiging bukas nilang tumulong sa Senado at iba pang institusyon upang mapalawak ang mga programang makapagsusulong ng positibong mental health. 

Matatandaang sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media kamakailan, sinabi ni Padilla na hindi umano uso ang depression noong panahon niya, dahilan para punahin siya at itama ng ilang personalidad at mental health professional.

Kaugnay na Balita: 'Bakit niya sisisihin ang kabataan?' Rep. Renee Co, bumanat kay Sen. Padilla!

Kaugnay na Balita: 'Mapanganib ang ganitong pananaw!' Rep. Sarah, kinondena naging tirada ni Sen. Robin

Kaugnay na Balita: Kuya Kim Atienza, nag-react sa patutsadang 'weak' ni Sen. Robin

Kaugnay na Balita: Psychologist, inalmahan hanash ni Sen. Robin tungkol sa depression