Hinikayat ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mga magkasintahan at mga kabataan na sa simbahan ipagdiwang ang Araw ng mga Puso.
Ayon kay Brown, makabubuting magkasamang dumalo sa banal na misa ang mga magsing-irog, na isa sa magandang kaugalian ng mga Filipino.
Ani Brown, isa din itong magandang tradisyon para ipagdiwang ang kapistahan ng Roman martyr na si St. Valentine.
Kaugnay na Balita: KILALANIN: Sino si ‘Valentine’ sa Valentine’s Day?
“So, I think, I can say the same thing for Valentine’s Day, I think if you’re a Catholic boy whose interested in a Catholic girl…maybe invite her to come, to go to Mass for this one,” ayon kay Brown.