February 13, 2026

Home BALITA National

Merong pinaghihinalaan? Sen. Marcoleta, dumepensa sa 'homegrown traitors' statement ni Sen. Lacson!

Merong pinaghihinalaan? Sen. Marcoleta, dumepensa sa 'homegrown traitors' statement ni Sen. Lacson!
Photo courtesy: Senate of the Philippines (FB)

Pinatutsadahan ni Sen. Rodante Marcoleta ang naging pahayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson kaugnay sa sinabi nitong depinisyon sa “geopolitics” at “homegrown traitors” sa publiko kamakailan. 

Ayon kasi sa naging Facebook post ni Lacson noong Pebrero 7, 2026, sinabi niyang ang madalas na pinagkukunan umano ng impormasyon sa geopolitics ay “technical intelligence” at umano’y mga “homegrown traitors.” 

“In geopolitics, the most common sources of information are technical intelligence and homegrown traitors who are willing to sell their country in exchange for what's in it for them. In intelligence operations, it is called, ‘recruitment in place,” saad ni Lacson. 

Ayon naman sa naging pahayag ni Marcoleta sa Facebook live ng Sa Ganang Mamamayan ng Net25 nitong Biyernes, Pebrero 13, 2026, kinuwestiyon niya ang dahilan ng naging pagpapakahulugan ni Lacson sa “geopolitics.” 

National

Cardinal Ambo sa isyu ng WPS: 'It is profoundly moral and pastoral'

“Unang una, bakit denefine niya ‘yong geopolitics ng ganito…” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa FB live ng Net25.

Screenshot mula sa FB live ng Net25. 

Ani Marcoleta, papaano raw napunta sa usapan ng geopolitics na may mga “homegrown traitors” na gustong ibenta ang sarili nila. 

“Papaano napunta doon sa pag-uusap na mayroon pala siyang pinaghihinalaang mga homegrown traitors na gusto nilang ibenta ‘yong sarili nila,” aniya. 

Pagpapatuloy pa ni Marcoleta, may tinutukoy na naman daw si Lacson sa naging pahayag nito habang nilinaw niyang gusto lang daw niyang malaman kung papaano iguguhit ang West Philippine Sea noon. 

“Mayroon na naman siyang tinutukoy dito. Samantalang ako, ang tinatanong ko lang, papaano natin iguguhit ang West Philippine Sea,” paglilinaw niya. 

Patutsada pa niya, “Ngayon, isinangkot niya ‘yong geopolitics… hindi ko alam. Dapat hindi geopolitics ito, e. Papalitan natin, ‘in dirty politics.’ Siya ang nagpasimula nito, e. Hindi geopolitics ito, dirty politics ito.” 

Nagawa pang basahin ni Marcoleta sa nasabing live ang depinisyon ng “geopolitics.” 

“Kasi ang geopolitics is a study of how geographical factors such as location, natural resources, climate… influence international politics for policy and power relationship between nations. ‘Yon ang geopolitics,” saad niya. 

Tila hindi raw niya malaman kung sino raw ang pinatutungkulan ni Lacson sa sinaad nitong “homegrown traitors.” 

“Ang layo naman. Idi-define niya sa pagkuha ng impormasyon, nag-iinvole ng mga homegrown traitors—ewan ko kung sino na naman ang kaniyang tinutukoy, mahilig siya sa ganito, e,” ‘ika niya. 

Buwelta pa niya, binibigyang kahulugan daw ni Lacson ang geopolitics sa sarili nitong imahinasyon at nakikialam na naman daw ito sa nakaambang debate niya sa ilang indibidwal. 

“Dinefine niya ‘yong geopolitics sa kaniyang sariling imahinasyon. Nakialam na naman siya sa debate namin… ang dami niyang pinakikialaman na hindi naman siya kasangkot,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, reaksyon, o tugon si Lacson kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Justice vs Senador? Carpio, payag sa hamong debate ni Marcoleta!

KAUGNAY NA BALITA: Lacson pinayuhan sina Carpio, Batongbacal na 'wag nang patulan 'pointless debate' ni Marcoleta

Mc Vincent Mirabuna/Balita