February 13, 2026

Home BALITA

Gen. Torre, sinampolan netizen na nagpapakalat umano ng ‘kamangmangan’

Gen. Torre, sinampolan netizen na nagpapakalat umano ng ‘kamangmangan’
Photo Courtesy: via MB

Nakatikim ng lecture kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Gen. Manager Nicolas Torre III ang isang netizen na aniya’y nagpapakalat ng “kamangmangan.”

Matatandaang nagbigay ng pahayag si Torre tungkol sa sapilitang paghahain ng kaso kaugnay sa insidenteng kinasangkutan ng lalaking driver na ang sasakyan ay kinabagsakan ng estudyanteng tumalon umano sa LRT-1 Fernando Poe, Jr. Station.

Kaugnay na Balita: Estudyanteng tumalon mula LRT-1, nagulungan pa ng sasakyan sa binagsakang kalsada!

“Eto ay para kay [ngalan ng netizen] at sa mga gaya nya na mahilig mang twist at mag insist ng kamangmangan nila,” panimula niya sa isang Facebook post noong Huwebes, Pebrero 12. “Hindi ko ginagawa ito para sirain ang pagkatao nya kundi para magbigay ng ibang pananaw sa ating mga kababayan para hindi mailigaw ng mga gaya nya.”

Metro

11K pulis, ide-deploy; 50K raliyista inaasahang dadalo sa ikatlong 'Trillion Peso March'

“Filing of the case is MANDATORY kasi nga may umiiyak na mga magulang. BUT The manner of filing is AT THE DISCRETION OF THE PNP INVESTIGATOR!” dugtong pa ni Torre.

Saad kasi ng naturang netizen, “Anong batas po 'yan na nagsasabing MANDATORY ang filing ng cases dahil may umiiyak na mga magulang?”

“Hindi pala probable cause ang basis ng pag-file ng case? Depende pala kung umiiyak ba ang magulang o hindi,” dugtong pa niya.

Hindi pinalampas ni Torre ang umano’y “kamangkamangan” ng naturang netizen. Kaya naman sa isang bagong Facebook post nitong Biyernes, Pebrero 13, naglatag siya ng ibang pananaw upang hindi maligaw ang publiko.

“Pag may humingi ng tulong sa pulis na mag file ng kaso, hindi mo basta bastang balewalain yan. May feeling sila na dapat may kaso so dapat pakinggan. Piskal at judge lang ang pwedeng mag final say kung may kaso o wala. Ang tawag dyan ay batas ng common sense,” anang MMDA Gen. Manager.

Dagdag pa niya, “Ngayon yang probable cause na sinasabi mo ay piskal lang ang pwedeng mag determine nyan. Kaya ang trabaho ng pulis ay isubmit sa kanila ang kaso. At dito may discretion ang pulis. Basahin mo uli ang post ko na tinutuligsa mo.”

Samantala, sa regular filing naman, wala raw arestong kailangan, na anang MMDA Gen. Manager, ay dapat ginawa ng mga awtoridad sa kaso ng driver na tinangkang sampahan ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide.

Maki-Balita: Driver ng sasakyang nakabangga sa estudyanteng tumalon sa LRT, nakaambang makasuhan!

“[S]a inquest naman, na gusto sanang gawin ng mga pulis, kailangan may aresto. Ang pag-aaresto na walang warrant ay guided ng napakaspecific na circumstances. I Google mo na lang. At ito ay personal na responsibilidad at liability ng arresting officer,” dugtong pa niya.

Pero sa kasalukuyan, nakalaya na ang driver ayon sa Quezon City Police District (QCPD) dahil hindi na siya kinasuhan pa ng ama ng nasawing estudyante.

Maki-Balita: Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver