February 14, 2026

Home BALITA

Cielo Magno, bet masilip Blue Ribbon Committee report na ayaw pirmahan ni Sen. Robin Padilla

Cielo Magno, bet masilip Blue Ribbon Committee report na ayaw pirmahan ni Sen. Robin Padilla
Photo Courtesy: Cielo Magno, Robin Padilla (FB)

Hinamon ni dating Department of Finance (DOF) Usec. Cielo Magno si Sen. Robin Padilla na ipasilip ang Blue Ribbon Committee report na ayaw nitong pirmahan.

Ito ay matapos ianunsiyo ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson na umikot na umano sa Senate Minority Bloc ang pinal na ulat ng nasabing komite para sa plenary sponsorship nito.

“Na-circulate na pala e,” saad ni Magno sa isang Facebook post nitong Biyernes, Pebrero 13. “Pasilip naman dyan Sen Robin ng document na ayaw mong pirmahan nakalagay ba ang pangalan mo?”

“Kasi syempre, bago ka umayaw sa pagpirma, dapat may karapatan ka muna pumirma. Sabi mo nga, may majority-minority dynamics sa Senate na hindi namin alam kaya show us the document na lang,” dugtong pa niya.

ICC, tinanggihan apela ng kampo ni FPRRD na baligtarin ang desisyon kaugnay sa 'fit to stand trial'

Matatandaang nauna nang sinabi ni Padilla na hindi siya pipirma sa ulat ng komite na tumatalakay sa maanomalyang flood control projects maliban na lang kung pipirma ang kasama niya sa minority bloc na si Sen. Allan Peter Cayetano.

Sabi naman ni Magno, “Sen. Robin, members lang po ng Blue Ribbon Committee ang pipirma sa report. Hindi po talaga kayo pipirma kasi hindi naman kayo member.”

Ngunit paliwanag ng senador, puwede umanong magbigay ng mungkahi ang Minority Floor Leader ng mga pagbabago sa mga miyembro ng Senate Blue Ribbon, kasama rito ang slot para sa minorya.