Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na naghahanda na ang kanilang hanay para sa ikakasang ikatlong “Trillion Peso March” sa darating na Miyerkules, Pebrero 25, na kasabay ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ayon sa pahayag ni PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., inutusan niya na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na tiyakin ang deployment ng mga kapulisan sa nasabing kilos-protesta kontra katiwalian.
“We are now reviewing and updating our security plan for this event. The goal is to ensure peace and order while respecting the rights of the people to assemble and freedom of speech,” saad ni Nartatez.
Nais ding makipag-ugnayan ni Nartatez sa mga organizers ng nasabing protesta upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan.
“We seek the cooperation of organizers and participants in working with us to ensure that the event will be peaceful and orderly from the start to end,” dagdag pa niya.
Pangunguna ng Caritas Philippines ang naturang anti-corruption protest—kasama ang ilang civil society groups at organizations.
MAKI-BALITA: Ikatlong Trillion Peso March, ilulunsad sa EDSA Anniversary-Balita
Matatandaang ikinasa noong Setyembre 2025 ang kauna-unahang Trillion Peso March bilang bahagi ng panawagan ng mga Pilipino laban sa malawakang korapsyon hinggil sa maanomalyang flood control projects sa iba’t ibang panig ng bansa.
Vincent Gutierrez/BALITA
Photo courtesy: PNP