'DAPAT YUNG DRIVER TUMITINGIN DIN PALA SA TAAS PAG NAGDA-DRIVE?'
Hindi napigilang mag-react ng mga netizen sa ulat ng Balita tungkol sa kakasuhang driver ng sasakyang nakabangga sa estudyanteng tumalon mula sa LRT-1, FPJ station noong Miyerkules, Pebrero 11, 2026.
Matatandaang isang estudyanteng lalaki ang kinumpirma ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na tumalon mula sa nasabing estasyon, na nagresulta sa kaniyang pagkamatay.
KAUGNAY NA BALITA: Estudyanteng tumalon mula LRT-1, nagulungan pa ng sasakyan sa binagsakang kalsada!
Sa ulat ng Balita nitong Huwebes, Pebrero 12, kinumpirma ng pulisya na nananatili pa rin sa kanilang kustodiya ang driver at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
“Sa ngayon under custody pa rin po natin yung driver nung sasakyan na nakasagasa noong nagkataong mahulog or tumalon yung estudyante doon sa LRT. And inaayos po yung mga documents para sa ma-inquest po siya,” anang pulisya.
Giit pa ng pulisya, "Ipa-file po natin yung reckless imprudence resulting in homicide po.”
Maki-Balita: Driver ng sasakyang nakabangga sa estudyanteng tumalon sa LRT, nakaambang makasuhan!
Samantala, sa Facebook post ng Balita patungkol sa naturang ulat, kaniya-kaniyang reaksyon ang iniwan ng mga netizen.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento: