Aarangkada ang “Libreng Sakay” ng Department of Transportation (DOTr) sa MRT-3 sa darating na Sabado, Pebrero 14, para sa lahat ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) cardholders.
Ang pa-libreng sakay ng DOTr MRT-3 ay uusad mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM at 5:00 PM hanggang 7:00 PM.
Kailangan lamang ipakita ang physical card o digital ID ng PhilHealth para makakuha ng Single Journey Ticket (SJT) sa anumang estasyon.
Ang inisyatibang ito ay tugon ng DOTr sa pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng PhilHealth at bilang komemorasyon sa National Health Insurance Month.
Sean Antonio/BALITA