February 12, 2026

Home BALITA

Kahit galing sa confidential funds: ₱20M pabuya sa kaso ni Ato Ang, wala raw Piattos!

Kahit galing sa confidential funds: ₱20M pabuya sa kaso ni Ato Ang, wala raw Piattos!

Itinaas sa ₱20 milyon mula ₱10 milyon ang pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magreresulta sa pagkakaaresto ni gaming personality Atong Ang kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sa isang press conference nitong Huwebes, Pebrero 12, 2026, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla:

"We are increasing the bounty for Atong Ang to ₱20 million for information leading to his arrest."

Dagdag pa niya, “We are increasing the bounty for Atong Ang to 20 million pesosGaling yan sa confidential funds provided to the PNP and the DILG para sa ganyang kaso. Walang Chippy o Piattos dito ah."

Nasa 1,000 tauhan ng BFP, sangkot sa ilegal na bentahan ng fire extinguisher!

Nahaharap si Ang at iba pang akusado sa mga arrest warrant kaugnay ng maraming bilang ng kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention na konektado sa missing sabungeros case.

Nauna nang humiling ang mga awtoridad sa Pilipinas sa Interpol na maglabas ng red notice laban kay Ang. Ayon sa Interpol, ang red notice ay kahilingan sa mga law enforcement agencies sa buong mundo na hanapin at pansamantalang arestuhin ang isang indibidwal habang hinihintay ang extradition o iba pang legal na aksyon. 

Ang mga miyembrong bansa ang magpapasya batay sa kani-kanilang batas kung ipatutupad ang pag-aresto.

Itinanggi naman ni Ang ang mga paratang laban sa kaniya. Ayon sa kaniyang abogado na si Atty. Gabriel Villareal, “premature” at “legally questionable” umano ang arrest warrant na inilabas ng korte sa Laguna.

“Clearly, the court merely acted on the incomplete and one-sided information provided by the Department of Justice (DOJ) in its determination of probable cause, without having even seen the counter affidavits and exculpatory evidence of the respondents, including that of Mr. Ang,” ani Villareal.