Tila mas lalo pa umanong tumataas ang demand sa bentahan ng produktong gayuma sa Baclaran lalo na nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng mga Puso o Valentine’s day.
Ayon sa naging ulat ng DZRH News nitong Huwebes, Pebrero 12, 2026, sinabi nilang nagkakahalaga raw ang presyo ng mga gayumang binebenta sa Baclaran mula sa ₱150 hanggang ₱250 bawat isa.
Anila, higit na mataas ang nabanggit na mga presyo ng gayuma kumpara sa normal nitong halaga na ₱100 para sa mga gayumang hinahalo sa pagkain o inumin at ₱200 naman para sa mga bote-botelyang gayuma.
MAKI-BALITA: #BalitaExclusives: Gaano katotoo ang gayuma sa 1 dekada nang antingero sa Quiapo?
Paliwanag nila, ibinahagi daw sa kanila ng mga tindera ng gayuma na tinataasan daw talaga ng mga ito ang presyo ng nasabing produkto dahil na rin sa mataas na demand nito sa nalalapit na selebrasyon ng Araw ng mga Puso.
Pagpapatuloy pa nila, ibinahagi rin daw ng mga nagbebenta ng gayuma na hindi lang para sa mga naghahanap pag-ibig ang kadalasang bumibili nilang suki kundi pati na rin sa mga nag-aasam na magkaroon ng kaibigan.
Maaari umanong umepekto ang binebentang gayuma sa Baclaran matapos ang isang linggo.
Sa kabila nito, nagpaalala naman umano ang Food and Drug Administration (FDA) na walang siyentipikong ebidensya ang sumusuporta na tumatalab talaga ang mga produktong kagaya ng gayuma.
Idiin nitong may posibilidad na magdulot ang paggamit ng gayuma ng panganib sa kalusugan.
Ayon pa sa DFA, dapat daw na may wastong label ang isang binebentang produkto at nagpapakita ng kumpletong impormasyon mula sa mga sangkap na ginamit dito.
Maaari maharap sa legal na aksyon ang mga nagbebenta at nagsu-supply ng mga hindi nakarehistrong produkto.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Mawawalan ng bisa ang gayuma kung dadalhin sa CR, bembangan sa kama, bakit?
MAKI-BALITA: ALAMIN: Dapat tandaan sa pag-aahit ng buhok sa ari sa nalalapit na Araw ng mga Puso