February 12, 2026

Home BALITA Metro

Driver ng sasakyang nakabangga sa estudyanteng tumalon sa LRT, nakaambang makasuhan!

Driver ng sasakyang nakabangga sa estudyanteng tumalon sa LRT, nakaambang makasuhan!
Photo courtesy: Santi San Juan/MB

Kinumpirma ng pulisya na nananatili pa rin sa kanilang kustodiya ang driver na nakabangga sa estudyanteng tumalon mula sa LRT-1, Fernando Poe Station noong Miyerkules, Pebrero 11, 2026.

Sa panayam ng media sa pulisya, iginiit nilang inaasikaso na nila ang mga dokumento upang maisalang na sa inquest ang nasabing driver.

“Sa ngayon under custody pa rin po natin yung driver nung sasakyan na nakasagasa noong nagkataong mahulog or tumalon yung estudyante doon sa LRT. And inaayos po yung mga documents para sa ma-inquest po siya,” anang pulisya.

Nang tanungin kung mahaharap ba sa kaso ang driver, giit ng pulisya, “Ipa-file po natin yung reckless imprudence resulting in homicide po.”

Metro

Mister na nanakit sa misis, patay sa rumespondeng pulis

Matatandaang isang estudyanteng lalaki ang kinumpirma ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na tumalon mula sa nasabing estasyon.

“LRMC confirms an incident involving a male individual at LRT-1 Fernando Poe Jr. Station earlier today,” anang pamunuan ng LRT-1.

Ayon pa sa kumpanya, bandang 10:30 ng umaga nang tumalon ang lalaki mula sa platform patungong kalsada sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

“Reports indicate that at approximately 10:30 AM, a male individual jumped off from the station platform to the street level of Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA),” anila.

KAUGNAY NA BALITA: Estudyanteng tumalon mula LRT-1, nagulungan pa ng sasakyan sa binagsakang kalsada!

Tinatayang nasa tatlong palapag ang tinalon ng biktima mula sa nasabing estasyon. Isang dashcam video rin ang kumalat sa social media kung saan mapapanood ang pagbagsak ng biktima at nasapul ng dumaraang sasakyan.