Nagbigay ng ilang paalala ang Department of Health (DOH) para sa mas ligtas na pakikipagtalik, kaugnay sa darating na selebrasyon ng Valentine’s Day sa Sabado, Pebrero 14.
Ayon sa ibinahaging social media post ng DOH nitong Huwebes, Pebrero 12, mababasang idinidiin nila ang paggamit ng proteksyon lalo kung hindi pa naman ikinakasal.
“GUMAMIT NG PROTEKSYON SA PAKIKIPAGTALIK. Kung nasa dating stage pa lang o hindi pa kasal, pinakamabuti ang paggamit ng proteksyon sa pakikipagtalik,” saad ng DOH.
Giit pa ng ahensya, kailangan ang “assurance” at hindi sapat ang tiwala lamang.
“Hindi sapat ang tiwala lang pagdating sa sex – dapat may assurance ka rin pagdating sa proteksyon laban sa sexually transmitted infections gaya ng HIV,” anila.
Kaya paalala nila, tiyakin ang sapat na proteksyon sa paraan ng paggamit ng ilang preventive materials.
“Maging proactive: libre lang makukuha ang combination prevention tulad ng condoms, lubricants, at pre-exposure prophylaxis (PrEP) para masiguro ang proteksyon mula sa HIV kung makikipagtalik,” anang ahensya.
Base sa ulat ng World Health Organization (WHO), isa pa rin sa mga pangunahing health issue na kinahaharap ng mundo ngayon ay ang Human immunodeficiency virus (HIV), na magpasahanggang ngayon ay wala pa ring gamot.
Ngunit kahit wala man itong lunas, mayroon namang “preventive measures” na pupuwedeng gawin upang ito ay hindi lumama.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Paano ka pinoprotektahan ng PrEP at condom kontra HIV at AIDS?-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA
DOH, nagpaalala para sa ligtas na bembangan sa Valentine's Day
Photo courtesy: Unsplash, Pexels