February 11, 2026

Home FEATURES Trending

'Nasa resibo po!' Napaka-obvious na WiFi password sa isang cafe, kinaaliwan

'Nasa resibo po!' Napaka-obvious na WiFi password sa isang cafe, kinaaliwan
Photo courtesy: Freepike/via @dodongkris (Threads)/@loui3f4undo (X)

Nagdulot ng katatawanan sa mga netizen ang isang post tungkol sa kakaiba at napakadiretsong password para sa internet connection ng isang café sa Cavite.

Hindi na yata mawawala na kapag nakatambay sa isang coffee shop, talagang asahang may mga customer na hihingi ng internet connectivity habang sumisimsim sa biniling drinks, o kaya, nakikipaghuntahan sa mga kasama.

Sa ibinahaging larawan, makikitang naka-print mismo sa resibo ang detalye ng internet connection password.

Ang mismong password, “nasaresibopo.”

Trending

Natagpuang pinakamalaking ahas sa mundo, may habang higit 7 metro!

Ayon sa caption ng nag-post, na kalat na ang screenshots sa iba't ibang social media platforms gaya ng X at Threads, una pa niyang inisip kung bakit tila ayaw sabihin ng barista ang password at itinuturo lamang ang resibo. Kalaunan, napagtanto niyang tama naman pala ito—dahil nandoon na nga mismo ang sagot.

"tinatanong ko yung password sa barista tapos sabi niya nasa resibo po."

"naisip ko 'bakit ayaw pa niya pa sabihin??' -tama naman pala siya," mababasa rito.

Photo courtesy: Screenshot via dodongkris (Threads)

Photo courtesy: Screenshot from @loui3f4undo (X)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"HAHAAHAHAHAAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAH THIS IS SO FCKIN WITTY!!!"

"Hahhahahahahahhahaahahhaha genius!"

"Oo nga naman kasi hahaha."

"Wahhh ang galing!"

"Henyo ang nakaisip nito hahaha."