Naglahad ng pagsuporta si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla para sa 16 na mga opisyal sa Kalayaan, Palawan na idineklarang “not welcome” ng Chinese Embassy sa bansa nila.
MAKI-BALITA: 'It's a badge of honor!' Kalayaan Vice Mayor, 'di natinag sa travel ban ng China
Ayon naman sa inilabas na ulat ng GMA News Online nitong Miyerkules, Pebrero 11, 2026, sinabi umano ni Remulla sa kanila na pupunta ito sa Kalayaan Group of Island (KIG) at dapat daw na i-ban din siya ng Chinese Embassy.
“I will go there myself then they should ban me,” ani Remulla.
Pagpapatuloy pa umano ni Remulla, parte ng teritoryo ng Pilipinas ang KIG at matagal nang may nakatira ritong mga Pilipino.
Ibinahagi rin ni Remulla na personal siyang bibisita rito upang “ma-reinvigorate” ang sovereign claim ng Pilipinas sa KIG.
“The Kalayaan Group of Islands is part of our territorial waters. We have been inhabiting it for over a century. In fact, it has its own local government unit. I will pay them a visit soon to reinvigorate our sovereign claim,” pagtatapos pa niya.
Kaugnay ito matatandaang naglabas ng opisyal na pahayag ang Chinese Embassy sa kanilang Facebook page noong Martes, Pebrero 10, 2026, sinabi nilang dalawang beses nagdedeklara ang mga opisyal ng naturang munisipalidad ng persona non grata sa mga Chinese Ambassador.
Matatandaang nauna nang magpasa ng resolusyon ang lokal na munisipalidad ng Kalayaan, Palawan tungkol sa pagdedeklarang “persona non grata” sa kanilang lugar si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan noong Enero 27, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: 16 opisyal sa komunidad ng Kalayaan, pinagbawalang pumasok sa China
May koneksyon din umano dito ang naging deklarasyon ng mga opisyal ng Kalayaan, Palawan na gawing persona non grata ang dating Chinese Ambassador na si Huang Xilian noong Agosto 2023, matapos magkaroon ng kasong pambobomba ng water cannon ng China Coast Guard (CCG) sa Philippine Coast Guard (PCG) sa may Ayungin Shoal.
Dahil umano rito, hindi umano nila pamamayagang pumasok ng China ang mga opisyal na kasama sa pagdedeklara ng persona non grata sa mga Chinese ambassador.
MAKI-BALITA: ‘We will not be silenced!’ Sen. Risa, sumabat sa pag-alma ng China sa Senate reso
MAKI-BALITA: 'China is indeed a bully!' Sen. Kiko, 'di raw papayag 'ma-disrespect' sa sariling bansa
Mc Vincent Mirabuna/Balita