February 11, 2026

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Chinese Zodiac Signs na suswertihin, mamalasin at alanganin ngayong 2026

ALAMIN: Chinese Zodiac Signs na suswertihin, mamalasin at alanganin ngayong 2026

Malaking parte na sa kultura ng mga Pilipino ang paniniwala sa mga prediksyon ng Chinese Zodiac Signs. Isang paniniwalang tila nagiging gabay ng karamihan, higit lalo na sa tuwing papasok ang Chinese New Year.

Sa nalalapit na pagpasok ng Year of the Horse ngayong 2026, nakapanayam ng Balita ang feng shui expert na si Master Hanz Cua kung saan inilatag niya ang ilan sa mga Chinese Zodiac Signs na mamalasin, suswertihin at aalanganin ngayong taon.

Narito ang 12 Chinese Zodiac Signs at ang prediksyon ni Master Hanz:

Year of the Rat- Not your good year. Conflict year and Year of the Rats. Ang susi sa Year of the Rat ay tamang timing, tamang direction. Sa negosyo, hindi magandang taon ito for business expansion. 

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Mga concert na swak puntahan sa Valentine's day

Sa career, pag-isipang mabuti. Careful planning sa palipat-lipat na trabaho. Hindi rin maganda na mag-baby ang rat sa Horse 2026.

Year of the Ox- Nasa iyo ang charisma star sa negosyo. Ikaw mismo makipag-negotiate, makipag-deal dahil mako-close mo ito. Ang pagiging charismatic mo at enthusiastic mo ay mabebenta mo ang mga project at deals.

Sa lovelife ng Year of the Ox, kung ikaw naman ay may partner na, third party ay enhance. Sa mga single, mahahanap mo na ang relationship. Magpaganda, magpaayos para ikaw ay maging maganda. 

Year of the Tiger- Sa career, dahil na sayo ang ally ng Year of the Horse marami ang mga boss, mga kliyente ay matutuwa sa pagiging masipag mo at output mo kaya maging hands on dito. Sa career, very good ang career. Sa business, maraming benta, opportunities tungo sa’yo. Year of the Tiger, maganda na mag-baby ng Year of the Horse. 

Year of the Rabbit- Year of the Rabbit is one of the money or wealth star. Year of the Rabbit ngayon sa pera, sa career, sa opportunity–maging masipag. 

Sa Lovelife, kailangan ng collaboration kay partner o ng asawa para ma-enhance ang pera. Year of the Rabbit, money star.

Year of the Dragon- Long term ang kailangan isipin dahil magandang taon ‘to sa career ng Year of the Dragon. Study more para ma-promote. Pag nae-enhance mo ang sarili mo, mas mapo-promote ka, maganda ang promotion star ng Year of the Dragon ngayong taon na ‘to.

Sa negosyo, kailangan ng business expansion, ipa-feng shui ang bahay, tindahan, negosyo. Bago magsimula ng negosyo, magpa-astrology birth chart reading. Maganda rin na magpakasal ngayong taon na ito. 

Year of the Snake- Sa Year of the Snake ngayong taon na ‘to ay recovery year. Sa career, oriented ang snake. Maraming mga delay na trabaho, this year i-follow up kasi mako-close ‘yon.

Year of the Horse- Not your year. Nasa sa’yo ang taisuy,  na sa’yo pa ang five yellow. Misfortune star. Marami, ang mga stress at sakit ng ulo sa Year of the Horse kaya if you’re Year of the Horse, careful planning sa career, careful planning din sa negosyo. ‘Wag magpadalos-dalos. Sa relasyon, habaan ang pasensya. 

Year of the Goat- Ang bestfriend ng Year of the Horse, kaya ang Year of the Horse ngayon sa’yo ay perfect year! Marami ang naniniwala, natutuwa sa output mo. May promotion, may salary increase. 

Sa negosyo, kailangan mo maging hands-n dahil maraming benta, marami ding referrals. Maganda rin mag-baby ngayong Year of the Horse.

Year of the Monkey-  Ang mantra ng Year of the Monkey ngayong taon na ‘to, ‘Matalino man ang matsing, nauutakan din!’ Kaya ingat ang monkey sa mga scam, cheating or betrayal. 

Year of the Rooster- Ang pagiging mayabang mo ay magdadala ng court case star sa’yo. Chill lang po, ‘wag mayabang. 

Year of the Dog- Is the good friend, allies po ‘yan ng Year of the Horse. Ngayong taon na ‘to, good year po ‘yan. Maraming opportunity, maraming wealth sa career,  maraming promotion or salary increase. 

Sa negosyo, mag-iincrease ang bank savings mo. This year, it will bring you a lot of money sa negosyo mo, kaya naman dapat hands-on tayo. Sa lovelife, magandang taon ‘to para mag-baby. Sa single, mae-enhance ang love relationship ngayong taon ‘to. 

Year of the Pig- This year, recovery year na ng mga Year of the Pig. Sa career, maraming projects ang muling iikot, gagalaw. Kaya tawagan na ang mga kliyente, mag-follow up at maging active. Sa love, mas better ang 2026 compare sa Year of the Snake last year. 

Kaugnay nito, nilinaw rin ni Master Hanz na ang Year of the Rat, Ox, Horse, Rooster at Rabbit ang direktang maituturing naman na “conflict signs” para sa Year of the Horse.

Kaya naman may nag iisang susi raw para makontra rin ang kamalasan ngayong 2026. Aniya, “Ang Year of the Horse- Sa 2026 the fire is very passionate. Mabilis kapag nagsimula. Ang Horse naman, is excited. Ang susi natin ngayon is fast, mabilis.”