February 09, 2026

Home BALITA

Sen. Imee, pinabulaanang siya ang promotor ng kudeta sa Senado

Sen. Imee, pinabulaanang siya ang promotor ng kudeta sa Senado
Photo Courtesy: Imee Marcos, Senate of the PH (FB)

Naglabas ng pahayag si Sen. Imee Marcos kaugnay sa sinabi ni Senate President Tito Sotto III na siya umano ang nasa likod ng tangkang kudeta sa Senado.

Sa latest Facebook post ni Sen. Imee noong Linggo, Pebrero 8, itinaggi niya ang naturang paratang ni SP Sotto.

“Gusto ko lamang pabulaanan ang kumakalat na pahayag na ako ang kumumpas sa balasahan sa Senado—hindi ako,” saad ni Sen. Imee.

Dagdag pa niya, “Buong minority ang magpapatunay na huli akong nakaalam at sumapi. Hindi malaking bagay sa akin ang mga diskurso at hindi pagkakaunawaan, basta't para sa mga tamang dahilan.”

Probinsya

16-anyos na inang nagpapadede ng sanggol, binaril sa noo ng selosong mister!

Matatandaang muling umugong ang usap-usapang kudeta sa Senado kamakailan. Ngunit nakahanda naman umano si SP Sotto na bumaba sa pwesto sakaling hangarin ng mga kapuwa niya senador na palitan siya.

Aniya, hindi na raw bago pa sa kaniya ang ganitong kalagayan. Sa katunayan, mas matindi pa nga raw ang naranasan niya noong siya ay majority leader pa sa ilalim ni dating Senate President Kiko Pimentel.

Maki-Balita: 'They can replace me anytime! SP Sotto, dedma kung mawala sa kaniya liderato ng Senado