February 09, 2026

Home FEATURES Trending

Natagpuang pinakamalaking ahas sa mundo, may habang higit 7 metro!

Natagpuang pinakamalaking ahas sa mundo, may habang higit 7 metro!
Photo courtesy: Guinness World Records (website)

Kinumpirma ng Guinness World Records (GWR) na nasa higit pitong metro o 23 feet and 8 inches ang haba ng kamakailan lamang nila natagpuan at nasukat na ahas. 

Sa ulat ng GWR noong Miyerkules, Pebrero 4, nasa habang 7.2 metro ng natagpuan nilang giant female reticulated python o Malayopython reticulatus sa Maros region ng Indonesia. 

Ang python na tinagurian bilang “Ibu Baron” o “The Baroness” ay posible pa raw umabot pa sa 7.9 metro o 26 feet kapag naka-relax pa ang katawan nito. 

Sa pamamagitan ng surveyor’s tape, ang python ay may bigat din na 96.5 kg o 213 lbs., na maihahalintulad sa bigat ng isang giant panda. 

Trending

#BalitaExclusives: Live seller kinaaliwan sa ‘pasa-buy’ ng mga damit na pang-‘lapa’ sa Valentine’s Day

Sa kasalukuyan, ang python ay nasa pangangalaga na ng conservationist, Budi Purwanto; licensed snake handler, Diaz Nugraha; at natural history photographer, Radu Frentiu. 

Bagama’t hindi makamandag, ay ang reticulated pythons ay ang pinakamahabang lahi ng mga ahas, na kadalasang umaabot mula tatlo hanggang anim na metro o 9 feet 10 inches hanggang 19 feet 2 inches. 

Sean Antonio/BALITA