February 09, 2026

Home BALITA

Mayor Vico, umapela sa Kongreso para maisabatas Anti-Political Dynasty Bill

Mayor Vico, umapela sa Kongreso para maisabatas Anti-Political Dynasty Bill
Photo Courtesy: Senate of the PH, HoR (FB)

Umaasa si Pasig City Mayor Vico Sotto na maisasabatas na sa pagkakataong ito ang matagal nang isinusulong na Anti-Political Dynasty Bill.

Sa ginanap na public consultation ng Senado sa Pasig City nitong Lunes, Pebrero 9, ipinaliwanag ni Sotto ang layon ng laban kontra dinastiya.

“Hindi ito laban sa isang pamilya o isang politiko. Ang nilalabanan natin dito ay ang concentration of power sa kamay ng political elites,” saad ni Sotto.

Kaya naman panawagan ng alkalde, “I hope that Congress now will really be serious. [...] Sana po ay magtuloy-tuloy na.”

Metro

Matapos insidente ng panggugulpi: Intramuros Administration, iginiit zero-tolerance policy kontra karahasan

“Pero alam din po natin ang totoo. Kailangan po ang mga mamamayan natin, ang mga mag-aaral, ang mga [civil society organization], kailangan magsanib-pwersa tayo…para maisulong natin ang isang batas patungkol dito,” dugtong pa niya.

Pinangunahan ni Sen. Risa Hontiveros bilang chairperson ang nasabing public consultation. 

Matatandaang sa gitna ng isyu sa talamak na kourpsiyon sa gobyerno noong 2025, kabilang ang Anti-Political Dynasty Bill sa mga inaapurang maipasa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Maki-Baita: PBBM, pinamamadali pagpapasa ng Anti-dynasty bill, Party-list System Reform Act, atbp.