Nagbaba ng utos si Manila City Mayor Isko Moreno upang imbestigahan ang dalawang gwardiya ng Intramuros Administration (IA) na nanakit ng isang menor de edad.
Batay sa kumalat na video, makikitang ginulpi ng dalawang gwardiya ang binatilyo habang nakasalya sa isang dingding.
Kaya sa isang Facebook post ng Manila Public Information Office (MPIO) nitong Biyernes, Pebrero 9, inatasan ni Moreno ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Manila Police District (MPD) para magkasa ng full scale investigation.
Kapuwa ito pangungunahan nina DSWD Director Jay Dela Fuente at MPD District Directorial Staff Chief P/Col. Dyan Agustin.
Bukod dito, pinakakasuhan din ng alkalde ang dalawang gwardiya.
Sa kasalukuyan, nasa ospital na umano ang biktima dahil sa mga tinamo nitong pinsala.