February 08, 2026

Home SHOWBIZ Blind Item

Aktres nag-flex na buntis pero fake pala; para lang makaganti sa isang aktor?

Aktres nag-flex na buntis pero fake pala; para lang makaganti sa isang aktor?
Photo courtesy: Freepik (for representation only)

Usap-usapan ang isang blind item tungkol sa isang aktres na umano'y nagpakita na ng positibong pregnancy test sa publiko, pero makalipas ang ilang buwan, walang balitang nanganak na siya; dahil ang totoo, hindi naman daw talaga siya buntis!

Sa inilabas na blind item ng Philippine Entertainment Portal o PEP nitong Linggo, Pebrero 8, sinabi nilang hindi raw keri ng aktres na bida sa kuwentong ito na hiniwalayan siya ng karelasyong aktor, kaya ipinamalita niya sa madlang pipol na may bunga ang pagmamahalan nila... noon, noong sila pa.

Para daw mas kapani-paniwala ang kuwento, nakipagkuntsabahan daw ang aktres sa isang influential social media personality, at nagtagumpay naman daw dahil nagalit ang mga utaw sa nabanggit na aktor. To the point na naapektuhan nga raw ang karera nitong si Kuya Boy.

Pero ang siste, makalipas ang ilang buwan, hindi lumobo ang tiyan ni Ate Girl. Hindi rin siya nanganak. Kasi nga wala naman siyang ilalabas mula sa kaniyang sinapupunan.

Blind Item

Aktres, nagpalaglag ng anak matapos mabuntis ng kilalang tao

Ang tsika sa blind item, ito umano ay paghihiganti niya sa pag-iwan sa kaniya ng aktor.

Sabi pa sa ulat, kaya hindi raw sila mapaniwala sa pa-sweet, positibo, at righteous image ng aktres, ay dahil sa likod ng camera, sinisiraan nito ang dating karelasyon.

Isa na namang blind item ito na ang tanong ng taumbayan ay "sinetch itey?"