February 07, 2026

Home BALITA

Year of the Horse ng 2026, taon ng taghirap!—feng shui expert

Year of the Horse ng 2026, taon ng taghirap!—feng shui expert

Hindi na bago ang konsepto ng bagong simula para sa marami, lalo na sa tuwing pumapasok ang Bagong Taon. Mga bagong pag-iisip at pag-asang makaraon sa panibagong taon.

Kasunod ng pagpasok ng 2026 ay ang nalalapit na opisyal na pagsisimula ng Year of the Horse sa Chinese New Year. Sa kultura ng Pinoy na hindi iniaalis ang paniniwala sa malas at swerte, ibinahagi ng feng shui expert na si Master Hanz Cua kung bakit magiging mailap ang pera ngayong taon.

Ilang araw bago ang Chinese New Year, eksklusibong nakapanayam ng Balita si Master Hanz kung saan tahasan niyang inihayag na maituturing ng taghirap ang Year of the horse. 

“Ang 2026 will not be a good year. Difficult ang money, ang wealth star. Walang pera sa chart natin. Because water element is missing o wala talagang water element sa 2026,” ani Master Hanz.

Cambodia, itinangging nasa kanila si Atong Ang!

Kaya naman ang payo niya, “Kaya magsuot ng color blue o may touch ng water. However, the resource element is very strong. Maraming opportunities at sa flying star natin, ang center natin nandodoon po yung victory at success star.”

Ipinaliwanag din niya kung bakit tila mas magiging mahirap daw ang pasok ng pera ngayong taon. Bagay na konektado rin sa ambisyon ng bawat tao.

“Marami naman ang lahat ng mga tao ngayon, lahat ay nagsa-strive for victory and success. Lahat ng tao ay very competitive, kaya lahat ng tao ay magagaling kaya mahirap kumita ng pera,” anang feng shui expert.

Dagdag pa niya, “Kaya extra galing tayo, fast moving. Extra hardworking.”

Paglilinaw pa niya, sa pagpasok kasi ng year of the horse ay halos wala raw natatanaw na water element na siyang sumisimbolo sa pera.

“Year of 2026, year of the fire horse-pwede nating sabihin na walang pera. Year of taghirap. Year of competition. Wala kasi ang water element which is the money element sa 2026 natin,” saad ni Master Hanz.

Giit pa niya, “Sa pera din natin, lahat ng tao ay masyadong magaling. Lahat ng tao'y very competitive. Lahat ng tao ay magiging tough, ang kahit na anong industriya ng business sa ngayon. Kaya the wealth ang money is mahirap kitain sa 2026.”

Sa kabila nito, binigyang-diin ni Master Hanz na nasa sa tao pa rin daw ang ikakaganda ng kani-kanilang buhay—na ang usapin ng pagiging malas o swerte ay nakadepende sa taong handa palaging magpursigi.