February 07, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Unexpected collab! BINI, bumulaga sa rAWnd 3 concert ng SexBomb Girls!

Unexpected collab! BINI, bumulaga sa rAWnd 3 concert ng SexBomb Girls!
Photo courtesy: BINI On Coachella, Philippine Concerts (FB)

Nagliyab ang entablado ng SM Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City matapos ang sorpresa at hindi inaasahang kolaborasyon ng dalawang iconic Nation's girl group mula sa magkaibang henerasyon, matapos lumitaw ang BINI sa rAWnd 2 Get Get Aw concert ng SexBomb Girls, Biyernes ng gabi, Pebrero 6.

Sa gitna ng hiyawan ng libo-libong manonood, nakipagsabayan ang BINI sa iconic novelty song na "Halukay Ube” na pinasikat ng SexBomb Girls, isang awiting tumatak sa pop culture ng early 2000s.

Hindi naman nagpahuli ang SexBomb Girls nang kantahin naman nila ang “Salamin, Salamin” ng BINI, na lalong nagpaigting sa sigawan at palakpakan sa loob ng arena.

ito ang unang beses na nakitang magkasama sa iisang stage ang SexBomb Girls at BINI na talaga namang ikinawindang ng kanilang fans at supporters, matapos silang pagsabungin.

Musika at Kanta

Cardinal Tagle, personal na bumisita at nag-good luck sa SB19

Pinagtatalunan kasi ng mga netizen kung sino nga ba kasi ang maituturing na "Nation's girl group."

Pero matapos ang sorpresang pag-guest ng BINI sa pangatlong reunion concert, masasabi raw na sila ang dalawang nation’s girl group ng kani-kanilang panahon; ang SexBomb Girls na naglatag ng pundasyon ng girl group phenomenon sa bansa, at ang BINI na kasalukuyang nangingibabaw sa Pinoy-pop scene.

Gayunman, sa halip na kompetisyon, pagpupugay at pagkakaisa ang naging tema ng gabi. Sa maiksing mensahe sa fans, sinabi ni Rochelle na walang kompetisyon sa dalawang grupo, kaya sana raw ay huwag na silang pag-away-awayin. 

Inaabangan naman ng fans at supporters kung sino-sino ang surprise guests ng SexBomb sa kanilang rAWnd 4 at rAWnd 5, bago ang kanilang world tour.

Sa panayam kay Karen Davila, inamin ng lider ng SexBomb na si Rochelle Pangilinan na isa ang BINI sa nagtulak sa kanila para i-push ang concert, dahil sa inspirasyong dulot sa kanila.