February 07, 2026

Home BALITA

'They can replace me anytime! SP Sotto, dedma kung mawala sa kaniya liderato ng Senado

'They can replace me anytime! SP Sotto, dedma kung mawala sa kaniya liderato ng Senado
Photo courtesy: via MB

Matapos ang pag-ugong ng tangkang pagkakaroon ng kudeta sa Senado, tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na handa siyang bumaba sa liderato kung nanaisin ng kaniyang mga kapwa senador na palitan siya.

Sa panayam sa kaniya ng isang local news outlet noong Biyernes, Pebrero 6, 2026, sinabi ni Sotto na hindi na bago sa kanya ang ganitong sitwasyon at aniya ay naranasan na niya ang mas matitinding laban noong siya ay majority leader pa sa ilalim ni dating Senate President Kiko Pimentel.

“We were only 13, and the (member of the) minority (bloc) were 11. So sanay ako dyan,” ayon kay Sotto.

Sa kasalukuyan, binubuo ng 15 senador ang majority bloc at siyam naman ang kabilang sa minority.

Lalaking ililipat sa Camp Crame, patay sa sagasa ng bus matapos magtangkang tumakas

“Sa akin kasi, I only serve at the pleasure of my colleagues. They can replace me anytime. I have no problem with that,” dagdag niya.

Ayon pa sa beteranong mambabatas, maaari pa rin siyang magtrabaho bilang ordinaryong senador. Ibinahagi rin niyang may panahon na wala siyang hawak na komite ngunit nagampanan pa rin niya ang tungkulin sa plenaryo.

“As a matter of fact, when there were talks about it last Sunday and Tuesday evening, the following day daw they might have the numbers. I slept soundly. I have no problem with that. I can work as a simple senator. I can be a minority leader. I can be an assistant to whoever,” ani Sotto.

Dagdag pa niya, ang pagiging Senate President ay may kaakibat na kahandaan na isuko ang posisyon kapag wala na ang tiwala ng mga kasamahan.

“Once you’re the Senate President, you should always be ready to give up your post if you no longer have the trust and confidence of your colleagues,” pahayag niya.

Ipinaliwanag din ni Sotto na hindi nangangahulugang kokontra sa lahat ng isyu ang isang senador kapag kabilang ito sa minority bloc.

Ayon sa kaniya, may mga pagkakataong sumusuporta rin ang ilan sa minority sa panig ng majority dahil maayos ang kanilang ugnayan.

“Because we’re friends with everybody.”

“We talk with each other. We know the intentions of others. We know the advocacies of others,” dagdag pa niya.

Hindi rin inaalis ni Sotto ang posibilidad na may dalawa o tatlong miyembro ng minority na maaaring lumipat sa majority bloc sa mga susunod na panahon.