February 06, 2026

Home BALITA

Pumayat na rin? Pagdalo ni Romualdez sa plenary session ng Kamara, inurirat sa socmed

Pumayat na rin? Pagdalo ni Romualdez sa plenary session ng Kamara, inurirat sa socmed
Photo courtesy: Contributed photo

Inurirat ng netizens ang nagkalat na larawan ni Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez, matapos mapansin ang umano’y malaking pagpayat daw ng dating House Speaker.

Ayon sa mga ulat, dinumog umano ng ilang kapuwa kongresista si Romualdez nang dumalo ito sa plenary session ng Kamara noong Miyerkules, Pebrero 6, 2026, kung saan ilang larawan niya ang nagkalat sa social media na nagpapakita ng pagpayat niya umano.

“Pumayat ang king of crocs, baka kulang na sa kurakot!”

“Nag-uunahan na lang sila ng pinsan niyang si bebybi M hahaha”

National

Ex-Rep. Castro, positibong uusad impeachment vs VP Sara; 'wag lang makikialam si PBBM?

“Parehas na silang sinisingil ni bangag!”

“Sino kayang mauuna sa kanila ni bangag?”

“Pumayat na, wala nang ma-kickback?”

“Payback time na kaya pumayat na ‘yan!”

“Sinalubong siya ng mga nagpataba sa kaniyang crocs”

“Iba na ata ipinayat ng hari ng mga buwaya?”

“Hindi na ata nakakapambuwaya kaya namamayat na!”

“Crocs with same Leather Flocks Together.”

Matatandaang noong Setyembre 2025 nang magbitiw sa pwesto si Romualdez bilang pagka-House Speaker matapos ilang beses na makaladkad ang kaniyang pangalan sa isyu ng maanomalyang flood control projects.

"After deep reflection and prayer, I have made a decision. Today, with a full heart and a clear conscience, I tender my resignation as Speaker of the House of the Representatives," saad ni Romualdez sa kaniyang naging huling talumpati bilang House Speaker.

KAUGNAY NA BALITA: Romualdez, nag-resign na bilang House Speaker

Pumalit kay Romualdez si Isabela 6th district Rep. Faustino “Bojie” Dy na siyang kasalukuyang lider ng Kamara.