February 06, 2026

Home BALITA

DOTr, nagbabala sa mga gumagamit ng 'Commuter Hotline' nito para sa loan, lending apps

DOTr, nagbabala sa mga gumagamit ng 'Commuter Hotline' nito para sa loan, lending apps
Photo courtesy: DOTr/FB, Freepik


Nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) hinggil sa hindi awtorisadong paggamit ng kanilang “Commuter Hotline” para sa “loan” o kaya naman ay sa “lending” applications.

Sa inilabas na abiso ng ahensya sa publiko nitong Biyernes, Pebrero 6, idiniin ng DOTr na ang nasabing numero ay para lamang sa mga “commuter-related issues.”

“The Department of Transportation (DOTr) warns the public against the unauthorized use of its Commuter Hotline in various loan or lending applications,” saad ng DOTr.

Anila, “The Commuter Hotline remains the DOTr’s official channel for commuter-related and other transportation concerns and issues.”

Giit pa ng ahensya, hindi sila nagbigay ng pahintulot kanino man upang gamitin ang nasabing commuter hotline sa anumang kadahilanan.

Anila, ang lalabag ay maaaring humarap sa reklamo na nakasaad sa batas at mga panuntunan.

Probinsya

Lalaki, halos maputol ang daliri matapos saksakin ng pinagkakautangan



Photo courtesy: DOTr

Sa kaugnay na ulat patungkol sa ahensya, sila ay patuloy na nakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard (PCG) upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa sa gitna ng banta ng Tropical Depression “Basyang.”

Vincent Gutierrez/BALITA